Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman 'yan ng misis ko | Bandera

Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

Ervin Santiago |January 10,2022
facebook
share this

Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

Ervin Santiago - January 10, 2022 - 09:24 AM

Joko Diaz at Ayanna Misola

GAME na game ang dating action star na si Joko Diaz sa pakikipag-love scene sa bagong pelikula ng Viva Films, ang sexy-psycho-thriller movie na “Kinsenas Katapusan”.

Napalaban din sa paggawa ng maiinit na eksena si Joko sa nasabing pelikula kasama ang leading lady niyang si Ayanna Misola, ang isa sa mga baguhang sexy stars ng Viva Artists Agency.

Makalipas nga ang ilang dekada, muli ngang magbibida si Joko sa “Kinsenas Katapusan” na idinirek ni GB Sampedro at ibang-iba raw ito sa mga nagawa niyang pelikula noon.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak ang aktor sa isang May-December love affair kung saan ang karakter niyang si Conrado ay mai-involve sa babaeng kaibigan ng kanyang anak na gagampanan nga ni Ayana na una namang napanood sa Vivamax original movies na “Pornstar 2” at “Siklo”. 

Ayon kay Joko, ipinaalam daw niya sa kanyang non-showbiz wife na si Abigail ang nasabing proyekto at siguradong alam na rin daw ito ng 17-year-old na anak niyang si Ashley, na nakakontrata na rin ngayon sa Viva.

“Alam naman ng misis ko na trabaho ko ito. Bigay ito ni Boss Vic kasi  pinagtiwalaan niya ako. Malaking pera ang isinusugal ng Viva sa akin. 

“Pero nag-usap muna kami nina Boss Vic and Direk GB. I know it’s a good project but I haven’t done this kind of role before, so we set some boundaries,” paliwanag ni Joko.

Ano nga bang mga boundaries ang kanyang tinutukoy? “Kung ano yun, secret na lang muna namin ni Boss Vic. Kasi before more on action ako, now ibang atake ito at more daring. I has to trust the director.

“Kasi I  don’t want rin naman to get stuck sa mga dati kong ginagawa. We have to move on. 

“I’m also here to help the new stars na bagong pasok sa showbiz and I want to thank Boss Vic for this opportunity to help others. I also want to thank our Lord Jesus Christ kasi hindi Niya ako pinababayaan at naging busy uli ako,” paliwanag pa ng aktor.

Iikot ang kuwento ng “Kinsenas Katapusan” sa buhay ni Conrado (Joko), isang successful businessman at may mabait at mapagmahal na asawa, at isang dalagang anak. 

Makikilala niya si Beth (Ayanna) online, isang batang babae na may madilim na nakaraan. Nagsimula lamang sila sa mga video call, at di nagtagal ay nagsimula na silang magkita nang personal. 

Inilihim ni Conrad sa kanyang pamilya ang pagkikita nila ni Beth, hanggang sa bumisita si Beth sa kanilang bahay at madiskubre niya na si Beth ay kaibigan pala ng kanyang anak. 

Ngayon, hindi lang ang buhay ni Conrad, kundi pati ng kanyang pamilya ang nanganganib kapag nalaman niya ang madilim na katotohanan sa nakaraan ni Beth.

Kasama rin sa pelikula sina Jamilla Obispo, Janelle Tee at Angela Morena, sa direksyon ni GB Sampedro. Mapapanood na ito sa Feb. 4 sa Vivamax.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ayanna Misola (@ayannamisola)

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Aiko payag bang makipaghalikan at gumawa ng love scene sa pelikula kasama si Long Mejia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending