Elmo Magalona nagpa-yummy para sa maiinit na eksena nila ni Jane Oineza: Hindi ako kumakain... | Bandera

Elmo Magalona nagpa-yummy para sa maiinit na eksena nila ni Jane Oineza: Hindi ako kumakain…

Ervin Santiago |January 10,2022
facebook
share this

Elmo Magalona nagpa-yummy para sa maiinit na eksena nila ni Jane Oineza: Hindi ako kumakain…

Ervin Santiago - January 10, 2022 - 09:27 AM

Elmo Magalona at Jane Oineza

PALABAN na rin ngayon sa paggawa ng mga daring scenes ang Kapamilya singer-actor na si Elmo Magalona.

Bibida ang binata sa episode na “Unseen” para sa third season ng digital anthology na “Click, Like, Share” kung saan makakasama niya si Jane Oineza sa direksyon ni Andoy Ranay.

Sa trailer ng nasabing programa, ipinakita ang ilang eksena sa episode na “Unseen,” at dito nga napanood ng members ng entertainment media ang patikim na steamy scenes nina Elmo at Jane. 

“Pinaghandaan talaga ito ni Elmo. Nu’ng nag-script reading kami nito, sabi namin, ‘Oh my gosh, may ganitong scene.’ Nag-prepare siya nang bongga,” ang pahayag ni Jane sa virtual presscon ng “Click, Like, Share” kamakailan.

“Kahit sa set namin, ayoko talagang masira ‘yung mood ng eksena kaya I needed to prepare for it. It was done with class,” sey naman ni Elmo.

Sa nasabing episode, gumaganap si Jane bilang photographer habang assistant naman niya si Elmo hanggang sa ma-develop sila sa isa’t isa at maging magdyowa. Magsisimula ang twist and turns ng kuwento nang may mag-alok kay Elmo na maging model.

Pahayag ng binata, “Before they went up to me with this project, sinabi naman nila na ‘yung magiging episode namin will be the most mature out of all the episodes. Kaya we really wanted it to have that different type of depth.”

Natatawang sabi naman ni Jane, “Mas more on si Elmo ang nag-quota rito. Mas toka niya yung mature… wala masyado from my side.” 

“Buti na lang nagka-work na kami before. Kahit first time namin mag-pair up, at least comfortable na kami with one another,” dagdag pang chika ni Elmo.

“But honestly, nu’ng nakuha ko yung script, hindi ko alam na may ganu’n palang scene. So hindi naman siya grand preparation. Alam mo yung parang meron kang exam tomorrow, magka-cram ka lang. 

“Ganu’n yung naging pakiramdam ko nu’ng nagpi-prepare ako for Click, Like, Share. Pero I was patient. Hindi ako kumakain and everything para lang mapaganda lang yung scene namin ni Jane,” aniya pa.

Ito na nga ba ang simula ng pagiging palaban at daring ng aktor sa mga susunod pa niyang proyekto? 

“As long as it is challenging, I’ll take it on. Pero I want to try out different things, take on new challenges. I don’t want to be typecast to just being mature roles na lang all the time,” sagot ng binata na huli pang napanood sa Kapamilya series na “A Soldier’s Heart” kasama sina Gerald Anderson, Vin Abrenica at Carlo Aquino. 

Kuwento pa ni Elmo tungkol sa bagong role na kanyang gagampanan, “I’ll be playing Jerome, Mariel’s (Jane) boyfriend and meron kaming small business which we started together.

“Pero si Mariel talaga yung nag-aasikaso ng photography and ako lang yung parang assistant niya. But then later on makakahanap nga si Jerome ng opportunity, a chance na magkaroon ng modeling career. 

“Doon mag-i-start yung meaning ng episode namin which is why it’s called ‘Unseen’ kasi du’n papasok yung social media sa buhay ni Mariel at ni Jerome. Makikita natin kung ano ang magiging mas matimbang para sa kanila, yung love or yung career nila,” paliwanag pa ng aktor.

Ito naman ang wish ni Elmo sa 2022, “Hopefully things keep on rolling from here on and sana with this start of the year maging prosperous pa ang year natin.”

Mapapanood na via streaming ang “Click, Like, Share” sa iWantTFC simula sa Jan. 12  with new episodes available every Wednesday, 8 p.m.. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Poquito (@elmomagalona)

Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing

‘Click, Like, Share’: Body shaming, bullying at iba pang pangit na mukha ng social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending