Karen binasag ang basher na nagsabing wala siyang ginawa kundi mag-travel: Get a life man!

Karen Davila

HINDI napigilan ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila ang sarili na bweltahan ang isang netizen na nang-okray sa kanya matapos tamaan ng COVID-19.

Inakusahan kasi ang news anchor ng basher na walang ginawa kundi  magbiyahe nang nagbiyahe kasama ang pamilya kaya raw siguro nahawa sila ng coronavirus.

Ang tinutukoy ng netizen ay ang pagbabakasyon nina Karen sa isla ng Boracay kung saan sila nagdiwang ng Pasko kasama ang ilang kaibigang celebrity.

Nag-comment at nagpasalamat kasi si Karen sa isang news website na nagbalita tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID-19 pati na ang buo niyang pamilya. Maayos at naka-recover na raw sila mula sa virus.

Sa comments section, nag-post naman ang isang netizen na may handle name na @khalid.alsugair at binasag nga ang Kapamilya news anchor.

Sabi ng basher kay Karen, “All she does is travel and go out with her family to Boracay.”

Sinagot naman siya ni Karen at pinagsabihan na huwag naman nitong gawing guilty ang mga nanay na gusto lamang magbakasyon at maka-bonding ang kanyang pamilya lalo na ang mga anak.   

“@khalid.alsugair ‘all she does???’ Dude, I’ve been a full time working mother all my life. 

“Don’t you dare make mothers feel guilty for wanting a vacation & wanting to spend time with their kids.

“Get a life man!” ang panunupalpal pa ni Karen sa kanyang hater.


Kung matatandaan, sa interview sa kanya ni Dr. Tony Leachon sa programang “Headstart” noong Jan. 7, kinumpirma niyang nagpositibo ang buo niyang pamilya sa COVID-19.

Ito’y matapos nga silang mag-celebrate ng holiday season sa Boracay.

“I think it’s the perfect opportunity for me to also share with the public that my own family tested positive for COVID.

“We are COVID positive after we arrived from the holidays this coming New Year,” pahayag ng broadcaster.

Sinabi rin ni Karen na maayos naman ang kundisyon ng kanyang pamilya at patuloy na nagpapagaling sa kanilang tahanan. 

Nauna rito, hinikayat ni Karen ang mga kapwa niya magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak para may proteksyon na ang mga ito kontra-COVID-19.

“HAVE YOUR KIDS VACCINATED. This is a LATE POST but wanted to share this with all the mommies out there,” aniya.

Sey pa ng news anchor, umaapela siya matapos malaman na, “many parents are still skeptical about having their kids inoculated.

“If you have fears, please consult your doctor,” sabi pa ni Karen at ipinagdiinan pang “the right information is key.”

“Don’t believe everything you read. Make sure you’re getting it from the right sources. It was my son Lucas who kept insisting he get vaccinated because his classmates already were,” sabi pa niya.

Pansamantala munang hindi napanood si Karen sa “TV Patrol” pati na ang ibang mga anchor ng programa matapos mabalitang naka-isolate sila at ang iba pang staff matapos ma-expose sa isang make-up artist na nagpositibo sa COVID-19.

https://bandera.inquirer.net/302387/karen-davila-pamilya-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-we-are-recovering-quite-well

https://bandera.inquirer.net/290502/karen-kampi-kay-isko-sana-lang-wala-nang-ganitong-pang-iinsulto-porke-kalaban-sa-2022
https://bandera.inquirer.net/285889/karen-na-depress-napapaiyak-dahil-sa-pagkapaos-i-wanted-to-quit-i-was-so-scared-to-go-to-work

Read more...