Albie Casino tinupad na ang pangako kay Shanaia Gomez, pinatikim ng yummy sisig | Bandera

Albie Casino tinupad na ang pangako kay Shanaia Gomez, pinatikim ng yummy sisig

Ervin Santiago |January 10,2022
facebook
share this

Albie Casino tinupad na ang pangako kay Shanaia Gomez, pinatikim ng yummy sisig

Ervin Santiago - January 10, 2022 - 07:24 AM

Albie Casino at Shanaia Gomez

SA wakas, natuloy na rin ang pinakaaabangang “sisig date” ng ShaiBie, o ang tambalan ng former “Pinoy Big Brother” season na sina Albie Casino at Shanaia Gomez.

Tuwang-tuwa at talagang kinilig ang mga tagasuporta ng ShaiBie nang malamang tinupad ni Albie ang naging promise niya noon kay Shanaia.

Ibinahagi ng mga dating housemates ni Kuya sa kani-kanilang social media accounts ang kanilang pagkikita kamakailan kung saan tinupad nga ng hunk actor ang pangako niya kay Shanaia na patitikimin ito ng super yummy na sisig.

Kung matatandaan, inimbita ng binata si Shanaia para sa isang “sisig date” matapos sabihin ng dalaga na ayaw na niyang kumain ng isa sa mga pinakasikat na pulutan sa Pilipinas dahil hindi raw siya nasarapan nang una niyang natikman ito.

Kaya naman gusto ni Albie na maipatikim kay Shanaia ang masarap na sisig dahil nais niyang mabura sa isip at panlasa ng dalaga ang hindi magandang lasa ng nakain nitong sisig noon.

Sabi naman ni Albie, “As a friend, feel ko obligation ko ipa-try sa kaniya yung masarap na sisig. Kasi napakalungkot naman ng buhay mo kung puro pangit lang na sisig yung natitikman mo.”

Kaya sa naganap na “PBB Kumulitan” kamakailan, tinanong uli ng aktor si Shanaia kung game pa rin siya sa sisig challenge.

“Yeah, of course, but I don’t think I’ll like it but, yeah, I mean, I will take your word. We’ll see, we’ll see. I don’t like kasi the feeling of the sisig. I don’t know why, the texture is kinda weird,” sagot naman ng dalaga.

“I told you, like, you can’t trust the one we made inside the house, bro,” sagot naman ng aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


Sa isang video clip na in-upload ni Albie na kuha sa loob ng isang restaurant, maririnig na nakikipag-usap siya sa dalaga na nakaupo sa kanyang harapan.

“Are you ready to try sisig?” ang excited na tanong ni Albie kay Shanaia na mukha namang excited sa muli nilang pagkikita ng hunk actor matapos ang ilang linggo nilang pagsasama sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sabi naman ni Albie sa nakaraang Kumu Live ng mga dating housemates, “This wasn’t really the sisig I wanted to make her try, but at least she tried it.”

Reaksyon naman ni Shanaia, “It’s good, I actually liked it! I can survive the texture of this one because at least it’s not… I’ve tasted other ones, parang it’s like chewing gum, like super chewy.”

Kasunod nito, inamin na ni Albie ang tunay niyang feelings kay Shanaia sa isang episode ng “Star Magic Inside News.”

Aniya, totoong nagagandahan at attracted siya kay Shanaia pero ayaw naman daw niyang mapilitan itong magustuhan siya dahil lang sa ito ang gusto ng kanilang mga fans.

“She’s a pretty girl naman. Attracted ako sa kaniya. Nagulat lang ako, at my age, hindi na big deal ang crush. My friends are getting married. They’re having kids na.

“Sa mga nakikita ko, masyado pa siyang bata. To be honest, it’s kinda weird. I don’t want to feel her pressured na she has to like me because of the fans,” paliwanag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong 2022, mas gusto raw ni Albie na mag-concentrate muna sa kanyang career pero welcome na welcome sa kanya sakaling may dumating na bagong pag-ibig para sa kanya.

Albie Casino inaya si Shanaia Gomez sa isang ‘date’

‘PBB’ binanatan ng dyowa ni TJ Valderrama: The damage has been done

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending