Dingdong pinahirapan nang bonggang-bongga sa ‘AlterNate’: Hindi lang sa trabaho pero sa buhay in general…

Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez

NGAYONG gabi na, Dec. 10, magsisimula ang pagbabalik ng Kapuso primetime mini-series na “I Can See You” kung saan bibida si Dingdong Dantes sa unang pasabog nito na “AlterNate.”

Ito nga ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap bilang “kambal” ang 2020 Seoul International Drama Awards Asian Star Prize at Kapuso Primetime King.

“Isa ito sa mga pinakamahirap na nagawa ko talaga. Hindi lang siguro sa trabaho ko bilang artista pero sa buhay din in general dahil ang daming elemento na kaakibat ng experience na ito. 

“Isa na riyan, first time ko na maka-experience ng mahabang lock-in taping and be away from my family for 30 days,” ani Dingdong na gaganap bilang identical twins sa kuwento bilang sina Nate at Michael.  

“Plus, the fact na mahirap yung role. Pero iyon din naman iyong hinihingi ko sa sarili ko kapag pumipili at nagko-commit ako sa isang bagay, ‘yung sana mas mahirap ito kaysa sa mga nagawa ko na in the past, in order to challenge myself as an actor. 

“All other elements combined, yung hirap na ‘yun nag-pay-off naman. Lumabas kami sa taping bubble nang very fulfilled dahil we were able to tell a compelling story in the context of a very challenging time,” dire-diretsong pahayag ni Dingdong sa nakaraang virtual mediacon ng “I Can See You: AlterNate”.

Ito naman ang masasabi ni Dong sa tambalan nila ni Beauty, “It’s such a beautiful experience working with her, pun intended. 

“Sabi nga niya sa umpisa siyempre may kapaan pa ng konti dahil unang beses pa lang namin literal na magkakilala in person, tapos eto kaagad medyo mahirap na…di lang mahirap pero matindi, sobrang hirap na project ang ibinigay.

“And I think ‘yung pagkahirap ng project made us more open to each other dahil matindi ‘yung requirement naging mas madali tuloy ang pagkilala namin sa isa’t isa, dahil siyempre as actors kailangan maging mas komportable ka sa kaeksena because you will be giving part of yourself e, kumbaga ‘yung performance mo meron ka talagang ibinibigay na hindi lang siya basta-basta material na bagay. 

“Kailangan may complete trust and I think ‘nung umpisa pa lang na-establish namin ‘yung trust na ‘yun dahil sa kanyang openess, dahil sa kanyang professionalism, lalong lalo na sa kanyang commitment,” paliwanag ng aktor.


Ayon naman sa direktor ng serye na si Dominic Zapata, nabigyan ng hustisya ni Dingdong at ng leading lady niya rito na si Beauty Gonzalez ang kanilang mga karakter na siguradong magmamarka nang bonggang-bongga sa manonood.

“This is the first time Dingdong and Beauty met and worked with each other. But since ganoon yung acumen nila sa kanilang craft, kaya nilang magbatuhan ng linya on zoom.

“Tapos kapag in-person na they allow it to organically form habang nangyayari yung eksena. It gets even better as the day progresses. Iyon ‘yung masarap panoorin. 

“In fact, by the end of the lock-in, kahit ang hirap ng taping, nabitin ako. Kasi na-enjoy ko talaga. Hindi siya dumali in terms of the amount of work, but it’s just so enjoyable you forget na napapagod ka. 

“If there’s a lot of joy and love, it shows in the work. Definitely, this is one of those projects where it’s evident,” papuri pa ng direktor kina Beauty at Dong.

Makakasama rin nila sa “I Can See You: AlterNate” sina Jackie Lou Blanco, Joyce Ching, Ricky Davao at marami pang iba. Magsisimula na ito tonight, Jan. 10, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

https://bandera.inquirer.net/302210/dingdong-naka-survive-sa-1-buwang-lock-in-taping-dahil-sa-pa-lafang-ni-marian
https://bandera.inquirer.net/302290/mystery-actor-ginamit-na-ka-alternate-ni-dingdong-sa-i-can-see-you-napakahusay-and-i-respect-him-so-much

Read more...