NAMIGAY ng paracetamol syrups para sa mga bata ang Team Kramer na sina Cheska Garcia-Kramer at Doug Kramer.
Sa isang video na ipinost ni Cheska sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito na mamimigay sila ng mga paracetamol syrups sa 16 katao na labis na nangangailangan ng gamot.
Ayon sa mag-asawa, personal stock daw ng Team Kramer ang mga gamot na kanilang ipamimigay at nagtira lamang sila ng sapat na gamot para sa kanilang pamilya at mga kasama sa bahay at ang matitira ay ipamimigay na nila sa mga nangangailangan at nahihirapang maghanap ng gamot.
Kwento ni Doug, napag-alaman nila na nagkakaroon na ng shortage ng gamot at marami na ang nahihirapang maghanap ng gamot kaya naisipan nilang mamigay na lamang.
“We know there’s a shortage. We’ve seen post on Twitter and even Tempra has announced via memo that it is really out of stock everywhere,” saad ni Doug.
“We’ll give 2 each of these paracetamol syrup to you guys who will DM or leave their details,” dagdag pa niya.
Bukod sa libreng gamot ay sagot na rin ng Team Kramer ang magiging delivery fee.
Nais man sana nilang maraming matulungan ay sa ngayon ay mga Manila residents lang ang kaya nilang mabigyan.
Marami namang mga netizens ang humanga sa kind gesture na ipinamalas ng Team Kramer.
“Wow. What a benevolent heart you have,” saad ng isang netizen.
“Maraming salamat po sa good deed n’yo! May God bless your family more,” comment naman ng isang netizen.
Hirit naman ng isang netizen, “Continue to be a blessing to others, Team Kramer! We love you!”
Matatandaang kumalat ang mga litrato ng mga pharmacies kung saan nakasulat na maraming mga gamot ang out of stock na gaya na lamang ng paracetamol, tylenol, at ilan pang mga brand ng gamot.
Samantala, siniguro naman ng Department of Health noong January 4 na walang shortage ng paracetamol at iba pang mga gamot sa bansa ngunit marami pa rin sa mga kababayan natin ang hirap na makahanap ng gamot.
Related Chika:
Promise ni Doug Kramer sa 13th wedding anniversary nila ni Chesca Garcia: I’d marry you over and over again!