INAMIN ng baguhang aktor na si JC Alcantara na nabudol siya ng dati niyang handler kapalit ng pangakong pasisikatin siya bilang artista.
Probinsyano kasi si JC at pangarap niya talagang maging artista kaya naman nu’ng alukin siya ng handler niya na pumunta ng Maynila ay kaagad siyang sumama at sumalang sa kaliwa’t kanang audition.
Naikuwento ito ng baguhang aktor sa virtual mediacon sa season 3 ng “Click, Like, Share” na idinirek ni Andoy Ranay na mapapanood na simula sa Miyerkoles, January 12 handog ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment.
Aniya, “Di ba uso ‘yun dati sa mga probinsya. E probinsyano ako. Sinasabi niya sa ‘kin pasisikatin kita. Dadalhin kita sa Manila. E ako naman itong probinsyano, pangarap kong maging isang artista.
“Nag-audition ako. Sumama ako pero walang nangyayari tapos nagbibigay akong pera. Ako naman ‘tong tanga (ramdam na niloloko na).
Payo ni JC sa lahat na huwag basta magtitiwala sa mga taong bagong kakilala palang.
“Kaya dapat huwag mo ibigay ‘yung tiwala mo sa isang tao lalo na kung ‘di mo kilala,”saad ni JC.
Makakasama ni JC sa karakter nitong pulis si Allan Paule na gustong linisin ang imahe niya ng anak kaya “Repair” ang titlo ng episode niya.
Inamin ni JC na noong una ay natakot siya kay Allan dahil magaling na artista pero nakampante na rin siya dahil mabait ang batikang aktor at marami siyang tips na nakuha.
Isa ring biktima sa social media ay ang “Pinoy Big Brother Lucky 7” alumna na si Vivoree Esclito dahil ginamit ang pangalan niya para makapang loko ng tao.
“Ginamit ‘yung pangalan ko to scam other people. I think it’s as worse as being scammed directly. Naloloko pa rin ‘yung ibang tao at ginagamit ‘yung pangalan mo. It’s very unfortunate na ginagawa ‘yun ng mga tao,” kuwento ng dalaga.
Kaya sabi nito na huwag basta magbibigay ng personal details sa ibang tao at kung kinakailangang manghingi ng tulong para mahuli ang mga scammer.
“We just have to be careful din talaga not to disclose our personal information. Let’s also ask help from other people. Trace ‘yung mga taong nambiktima,” say ni Vivoree.
Mapapanood ang dalaga sa episode na QR Code at sabi niya na sana nga gamitin na ito para madaling makuha kaagad ang detalye ng mga taong gumagawa ng hindi mabuti sa kapwa.
Abangan din sina Elmo Magalona at Jane Oneiza sa episode nilang “Unseen” at Belle Mariano with Shanaia Gomez sa “Swap”.
Related Chika:
JC Alcantara tinuksu-tukso si Tony Labrusca: Baka naman…i-kiss mo na ako, ang dami nang nag-aabang