Zephanie Dimaranan
NGAYONG araw, Jan. 7 ang release ng 11-track album ni Zephanie Dimaranan kaya excited ang Cornerstone artist at miyembro ng GEN C dahil pagkalipas ng ilang taon ay nabuo na rin ito sa wakas.
Inamin ng dalaga na nagkaroon ng delay ang paglabas ng album niya dahil sa pandemic, hindi raw kasi nagtuluy-tuloy ang kanyang recoding at shoot ng music videos.
Ang mga awiting kasama sa album ni Zeph ay ang mga sumusunod with their corresponding composers: “Pangarap Kong Parangap Mo” (Jonathan Manalo), “Bawat Daan” (Ebe Dancel), “Sabihin Mo Na Lang Kasi” (Mandy Lorette J. Maderal), “Pangako Ko” (Rex Torremoro/ Elmar Jan Bolano), “Tinadhana Sa ‘Yo” (SJ Gandia), “Magpakita Ka Na” (Miguel Mendoza III), “Lapit” (Yeng Constantino), “Pag-ibig Na Kaya” with Jeremy G (Jonathan Manalo, adapted from “Perhaps Love”), “Isa Pang Araw” (Miguel Mendoza III), “Tinadhana Sa ‘Yo” with Jason Dy (SJ Gandia), at “Bawat Daan” with Ebe Dancel (Ebe Dancel).
Samantala, kinumusta namin kung paano ipinagdiwang ni Zephanie ang Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya niya.
“Dalawa po ito sa pinaka-special na occasions bawat taon. Una po dahil Christmas Day is also my Ate’s birthday and after New year din po birthday naman ng isa ko pa pong Ate. Kaya double celebration po lagi, pero this year, we kept it simple. Sa bahay lang po para safe and mas comfortable.
“Siyempre po nu’ng Christmas Eve, may mga games and exchange gifts po. Then on the 25th, we celebrated it with some of our family and church friends kaya super saya po.
“Actually, ngayon na lang po ulit kami nakapagtayo ng Christmas tree and nagbigayan ulit ng regalo since nu’ng mga nakaraang taon po, very limited talaga. Kaya masasabi ko po na ibang-iba po ang Pasko ngayon.
“Nu’ng New Year naman po, nag-celebrate kami sa Biñan, Laguna. Kami lang po ng family ko sa rooftop ng bahay namin. Very simple lang din po talaga compared nu’ng mga past years.
“Iba po ‘yung lamig ng panahon recently kaya mas nakadagdag po sa feels nu’ng Pasko and New Year. Mas naramdaman ko po yung pag-welcome sa Bagong Taon dahil kahit saan po kami tumingin, may fireworks.
“Super blessed and grateful to be with my family sa mga occassions na to,” sagot ni Zeph sa mga ipinadala naming tanong through her handler.
At ang nilu-look forward niya ngayong 2022, “This 2022, I’m really praying for the pandemic to finally end. Sa mga projects po, of course, the successful release of my first full album.
“I’m also looking forward to more opportunities locally and internationally.
“Siguro po, masasabi ko na sa taon na ito, unti-unti na po akong magiging handa sa kahit na anong blessing na ibigay ni Lord sa akin and sa career ko po sa industry,” pahayag pa ng Kapamilya singer.
https://bandera.inquirer.net/297458/idol-ph-champion-handa-nang-sumabak-sa-akting-pangarap-makatrabaho-ang-gold-squad
https://bandera.inquirer.net/285052/idol-ph-zephanie-dimaranan-binago-ang-look-umaming-crush-sina-inigo-at-darren