CARMI MARTIN bumagsak sa board exam: Ang pangit daw ng drawing ko!

Bumagsak si Carmi Martin sa “board exam” para makakuha ng lisensiya bilang isang certified Interior Designer.Nakachika namin ang aktres sa presscon ng bagong teleserye niya sa GMA 7, ang Prinsesa Ng Buhay Ko kung saan gaganap siyang madrasta ni Aljur Abrenica at asawa ni Emilio Garcia.

Kuwento ni Carmi, sobra siyang nanghinayang nang malamang hindi niya naipasa ang nasabing exam, “Mataas ‘yung written exam ko, as in outstanding daw talaga, pero ang pangit daw ng drawing ko at doon ako bumagsak.

E, inaamin ko naman na hindi ako marunong mag-drawing, pero ‘yung ideas ko, pasok talaga!” Ayon pa sa aktres, naka-graduate na siya ng Fine Arts, pero gusto niyang magkaroon pa ng lisensiya para sa Interior Designing para mas legal ang pag-practice niya ng nasabing profession.

Sa ngayon daw, may tinatapos siyang dalawang projects, ito raw ‘yung mga ipinagkatiwala sa kanya ng ilang kakilala na naniniwala sa kanya bilang isang Interior Designer kaya hindi niya kailangang magpakita ng license.

( Photo credit to Google )

Read more...