Gladys Reyes may ibinuking tungkol kina Coco, Jaclyn, Sen. Lito at Direk Brillante

Cast ng Kapampangan film na ‘Apag’

IN FAIRNESS, natapos na agad ni Brillante Mendoza ang reunion movie nila ng Teleserye King na si Coco Martin, ang “Apag.”

Ito ang ipinagmamalaking Kapampangan film ni Direk Brillante kung saan mga tubong-Pampanga nga ang kanyang mga bida tulad ni Coco, kasama sina Gladys Reyes, Jaclyn Jose at Sen. Lito Lapid.

Ibinalita ni Gladys sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang social media accounts na natapos na nga ang kanilang lock-in taping. 

Nag-share ang Kapuso actress ng mga litrato at video sa Instagram at Facebook na kuha mula sa last shooting day ng kanilang pelikula.

Dito, nagpasalamat si Gladys sa kanyang mga “Apag” co-stars, kabilang na sina Coco, Jaclyn, Sen. Lito, Julio Diaz, Mercedes Cabral, Gina Pareño at Ronwaldo Martin, ang nakababatang kapatid ni Coco.

“Last shooting day…. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang kami nag-start mag-shoot, eto tapos na kami.

“‘Di ko namalayan ang araw dahil ang sarap katrabaho ng mga kasama ko,” ang caption ni Gladys.


Aniya pa, “From my ate Jane Jaclyn Jose, dami ko tawa sa bonding chikahan namin, to Coco, na super maalaga sa ‘min at dedicated sa work, kakatuwa! 

“Tito Sen. Lito Lapid, walang tigil ang pagdating ng masasarap na food from him, overflowing delicious kapampangan food. Mercedes Cabral (my newfound sister) wish to work with her ng mas mahabang panahon to kuya Julio, tita Gina Pareño at iba pa namin mga nakasama,” aniya pa.

Kasabay ng pasasalamat kay Direk Brillante, inamin naman ni Gladys kakaibang challenge ang naranasan niya habang nagsu-shooting with the award-winning director.

“Daming bago sa naging karanasan ko sa kanya, kakaibang challenge. Bawal ang slow, kumbaga,” sey ng aktres.

Siguradong excited na rin si Coco sa pagpapalabas ng “Apag” dahil nga magsisilbi itong reunion project nila ni Direk Brillante, na unang nagkatrabaho sa indie film na “Masahista” noong 2005.

Kuwento sa amin ni Sen. Lito kamakailan, tungkol sa mga sikat na ulam at tradisyon ng Pampanga ang “Apag.” 
https://bandera.inquirer.net/293169/gladys-balik-stand-up-comedy-sa-us-asawa-na-shock-grabe-iba-ka-pala-talaga-mahal
https://bandera.inquirer.net/301815/lito-lapid-shookt-sa-style-ni-direk-brillante-mendoza-bahala-ka-sa-mga-dialogue-mo-walang-script

Read more...