Janine Gutierrez
FEELING lucky and grateful si Janine Gutierrez sa lahat ng natatanggap niyang blessings mula nang lumipat siya sa ABS-CBN last year.
Halos one year na ang nakalipas mula nang maging Kapamilya ang award-winning actress at mukhang wala namang pinagsisisihan ang dalaga sa kanyang naging desisyon.
Sa katunayan, malapit nang magtapos ang unang teleserye niya sa ABS-CBN na “Marry Me Marry You” katambal ang nali-link sa kanya ngayong si Paulo Avelino. Aniya, hinding-hindi niya makakalimutan ang karakter niyang si Camille sa nasabing romcom series.
“The best! Sobrang saya and I’m really so thankful. Paulit ulit ko naman ito sinasabi pero matagal ko ng gustong makagawa ng rom-com and I’m so thankful to all our fans and sa lahat ng sumuporta from the beginning hanggang ngayon sa finale mediacon.
“Sobrang kinapitan niyo yung storya namin. I hope nabigyan natin ng saya yung isa’t isa ngayong huling three weeks na so sana walang bibitaw,” pahayag ng aktres sa online presscon para sa “Marry Me Marry You Finale” last Jan. 4.
Patuloy na kuwento ng dalaga, “Actually masaya ako kasi nung first presscon with ABS-CBN, mag-wa-one year na yun. One of the things I said was sobrang excited ako na makilala yung kapamilya worldwide.
“Happy ako na naging connection kami ng lahat ng kapamilya worldwide sa kung paano talaga maging Pinoy.
“So ngayon ang mahirap talaga for me yung hindi mo na makikita yung mga mamang at madir mo at si papang at yung family mo. Yun yung talagang nagpaiyak sa akin nung mga last tapings namin.
“Kasi grabe yung samahan na nabuo namin. Parang naging pamilya talaga kami nila Ms. Pie (Cherry Pie Picache), ate Shine (Sunshine Dizon), Ms. Vina (Morales), Adrian (Lindayag) and si Papang. So yung family talaga na nabuo namin sa set yung nakakalungkot for me,” aniya pa.
Babaunin din daw niya ang mga life lessons na itinuro sa kanya ng mga co-stars niya sa serye, “Sobrang dami kong natutunan watching sir Jett (Pangan), tito Edu (Manzano), sir Lito (Pimentel), ate Pie, ate Shine, Ms. Vina.
“Not just learning about acting but yung pakikitungo nila sa tao at yung alaga nila sa lahat. Sa crew, sa staff, sa amin. And yun talaga yung dadalhin ko sa susunod ko na project na kailangan mo talagang tratuhin na pamilya yung lahat ng kasama mo.
“Kasi at the end of the day, kapamilya naman tayong lahat and ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal. And sa tingin ko yun din yung kinapitan ng mga fans at lahat ng nanood ng Marry Me Marry You I’m so blessed to have been part of this show,” lahad ni Janine.
Samantala, super happy din ang dalaga dahil nakasama niya ang kanyang family sa pagsalubong sa Bagong Taon sa mismong bahay niya.
“We were complete dito sa bahay ko so nanood lang kami ng fireworks sa roof deck and kumain, nagkuwentuhan. Parang wala akong nagawang mga bilog na fruits, puwede pa ba humabol? Ha-hahahaha!
“Pero nag-polka dots ako. I’m so grateful kasi at this point talagang grateful ka na lang to be alive and to spend time with family. So iba din talaga yung meaning ng holidays ngayon,” pasasalamat pa niya.
Tutukan ang “Marry Me Marry You Merrily Ever After? Ang Huling Tatlong Linggo”, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, and Jeepney TV.
https://bandera.inquirer.net/292346/janine-sa-pagtatrabaho-sa-abs-cbn-im-so-happy-to-be-here-at-naramdaman-ko-yung-alaga
https://bandera.inquirer.net/298189/janine-kapag-pinag-agawan-ng-2-lalaki-pipiliin-ko-kung-sino-ang-mahal-ko-ganun-lang-kasimple