Luis ibinuking si Edu: pumasok sa klase ni Joey Reyes nang nakatuwalya lang

Luis Manzano at Edu Manzano

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang bagong vlog ni Luis Manzano sa YouTube kung saan special guest ang kanyang amang si Edu Manzano.

Naikuwento kasi rito ng mag-ama ang tungkol sa nakakalokang karanasan ni Edu noong estudyante pa lamang siya sa De La Salle University Manila.

Pambubuking ni Luis sa kanyang tatay, minsan na raw itong pumasok sa klase na nakatapis lamang ng tuwalya.

At nangyari pa ito sa klase ng award-winning veteran director na si Joey Javier Reyes. Nag-aaral pa lang noon si Edu ng kursong Economics sa DLSU Manila.

Chika ng mister ni Jessy Mendiola, “Si Daddy, varsity dati ng La Salle. Alam mo ba si Daddy ang kauna-unahang pumasok sa classroom na naka-tuwalya lang? Totoo ‘to. Totoo. Ang teacher ni Daddy nun ay si Direk Joey Javier Reyes.

“Si Daddy, part ng varsity. Tapos sabi ni Direk Joey, ‘pag na-late pa siya isang beses, dropped na ‘yung class niya. Eh kelangan niya kasi varsity. Eh napasarap ‘yung ligo niya after practice,” pahayag pa ng TV host-comedian.

Hirit naman ni Edu, kinailangan daw kasi niyang magmadali para hindi ma-late dahil baka mawala ang kanyang scholarship kapag tuluyan siyang na-drop sa klase ni Direk Joey.

“Sabi nga niya, one more time, isang beses lang na ma-late ka, eh talagang ida-drop kita. E, three units din ‘yun. 

“Malalagot ‘yung scholarship. So napilitan ako, umakyat agad ng klase, tumakbo na naka-tuwalya lang,” pagbabalik-tanaw ng veteran actor at TV host.

But wait there’s more! Dugtong na kuwento ni Doods, “Tapos pagpasok ko na nakatuwalya. Sabi nga ni Joey, ‘Ano ka, nagpapatawa? Ano ka, komedyante?’ Sabi ko, ‘Hindi ho, ganito ho ‘yan.’ Sabi niya, ‘O sige, diyan ka, umupo ka na.’

“So umupo ako sa upuan ko. Ang ginawa niya, ‘Hindi, doon ka sa isang upuan, ‘yung pinakamalapit sa aircon.’ So doon ako umupo buong klase. Tatlong araw akong nagkasakit,” sey pa ni Edu.

Hirit naman ni Luis, kung sa kanya raw nangyari yun ay baka naghubo’t hubad na lang siya, “Ako, gagawin ko iyan. Pero yung tuwalya sa ulo ko ilalagay. Dito, bahala na ang lahat!”

Sagot ni Edu sa anak, “Bimpo lang nilagay ko, ha!”

“Hindi, tissue!” hirit naman ulit ni Luis.


Samantala, nagseryoso naman sina Luis at Edu nang dumako ang usapan sa relasyon nila bilang mag-ama. Dito, sinabi nga ng aktor kung gaano siya ka-proud sa anak.

“You have no idea. I don’t have to hear it from other people. It’s what I see in you. Kung papaano tayo mag-usap. The kind of relationship we have. And how we are honestly true to one another that tells me.

“I did not see a need kung bakit pa ako kailangan mangialam sa buhay mo. Kasi alam mo na kung anong dapat mong gawin.

“And whatever you did, you did it well. So doon ang pride ko. Kaya sinasabi ko, wala akong regrets. My son did it all, and did it well,” pahayag pa ni Edu.

https://bandera.inquirer.net/302257/luis-ka-join-sana-sa-1986-movie-na-ninja-kids-ako-dapat-ang-bida-roon-pero

https://bandera.inquirer.net/301509/edu-cherry-pie-naging-magdyowa-na-20-years-ago-tahimik-lang-kami-noon-it-was-almost-a-year

Read more...