MARITONI FERNANDEZ halos mabaliw nang ‘mamatay’ ang anak na si LEXI


Kasama rin sa Prinsesa Ng Buhay Ko na pagbibidahan nga nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang magaling na character actress na si Maritoni Fernandez na isa rin sa mga kontrabida sa serye.

Naikuwento naman niya sa amin ang tila bangungot na experience niya sa pagkakasakit ng anak na si Lexi Fernandez.
Kinumpirma ni Maritoni na muntik nang mamatay si Lexi matapos atakihin ng matinding hika.

Naganap ito ilang linggo na ang nakararaan, bigla na lang daw nahirapang huminga ang Kapuso young actress habang nakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay.

“Kadarating ko lang that time tapos ‘yun na, hinahabol na ni Lexi ‘yung paghinga niya, so, binigyan ko agad ng gamot niya, pero wala pa rin, hinahabol pa rin niya ang hininga niya. E, si Lexi kasi, may trauma na ‘yan sa ospital, e.

“Siyempre, lumaki siya habang naka-confine ako dahil sa cancer, kaya ayaw na ayaw niya du’n. Pero when I asked her, kung dadalhin ko na ba siya sa ospital, nag-yes siya, so I know, grabe na ang nararamdaman niya,” tuluy-tuloy na kuwento ni Maritoni na mangiyak-ngiyak na.

Sa kotse pa lang daw ay nawalan na ng malay si Lexi kaya halos mabaliw na raw si Maritoni. Talagang nagdasal na lang daw siya nang taimtim para sa anak, at naniniwala siya na isang himala ang nangyari dahil nagawang i-revive ng mga doktor si Lexi sa loob lang ng ilang sandali.

Akala raw talaga niya ay mawawala na sa kanya ang anak, pero muli niyang napatunayan ang power ng prayers.
Anyway, magsisimula na ang Prinsesa Ng Buhay Ko sa Sept. 23, Lunes bago mag-24 Oras, ito ang kapalit ng Binoy Henyo.

Bukod kina Aljur, Kris, Maritoni, Carmi at Emilio, ka-join din dito sina LJ Reyes na magiging kontrabida ni Kris, Jan Manual, Ping Medina, Lian Paz, Vincent Magbanua, Marco Alcaraz, at ang anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez na si Renz.

Ito’y sa direksiyon ni Dondon Santos.Uy, bongga ang Prinsesa Ng Buhay Ko dahil ito ang kauna-unahang teleserye ng GMA na kukunan in full HD gamit ang mga hi-tech na DLSR camera.

( Photo credit to Google )

Read more...