Katarina Rodriguez
NAKIUSAP si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa publiko na huwag namang mag-donate ng sira-sirang damit at lumang underwear sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Nakakatanggap daw kasi ang mga biktima ng kalamidad sa Siargao mula sa mga donors ng mga sira-sira at maruruming damit pati na ng mga gamit at napaglumaan nang underwear.
Kaya naman, umapela si Katarina sa mga nagpapaabot ng donasyon ay relief goods na huwag mag-donate ng mga damit na ayaw na nilang gamitin.
Nag-repost sa kanyang Instagram Stories ang Pinay beauty queen kagabi, Jan. 4 ng isang mensahe ng netizen tungkol sa pagdo-donate ng ilang tao sa mga nawalan ng bahay at kabuhahan sa Siargao at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Ang nakasaad sa post ni Katarina, “Don’t donate clothes you won’t wear….
“Hindi naman dahil walang wala na sila ay deserve nila ang basura ng mga tao….. sorry pero yung ibang nakuha namin na donation sobrang dumi at butas butas na,” paalala pa ng beauty queen.
Dagdag pa niyang mensahe sa madlang pipol, “Repost from @ruumac If there are holes in your clothes do not donate them.”
May isa pang post si Katarina kung saan naka-tag ang isang netizen, sabi niya sa caption, “Also don’t donate your dirty panty or dirty underwear….
“If it’s not wearable (essential) clothes don’t send it. Please donate appropriate clothing!!! @ruumac,” aniya pa.
Napamahal na kay Katarina ang Siargao at itinuturing na rin niya itong pangalawang tahanan dahil doon siya nanirahan nang matagal nang abutan ng pagpapatupad ng community quarantine noong March, 2021.
Aniya sa isang post, “One thing I always tell people is everybody who’s been in Siargao since lockdown in March, parang nasa bubble kami.
“Like we’re in this snow globe away from the pandemic kasi wala pa kaming case dito. So they’ve been very strict.
“And it’s really odd to see someone wearing a face shield. And even if it’s a protocol to wear masks, we don’t wear masks all the time.
“Only parang yung last week pa lang because they finally opened the island…
“I think we’re just super blessed to not have been affected so much by the pandemic,” mensahe pa ng beauty queen.
https://bandera.inquirer.net/293368/rabiya-mateo-mapapanood-na-sa-gma-7-katarina-rodriguez-tinawag-na-mental-game-ang-pagbubuntis
https://bandera.inquirer.net/287819/jessy-na-shock-nang-regaluhan-ng-underwear-ng-manliligaw-paano-mo-nalaman-yung-size-ko