Luis ka-join sana sa 1986 movie na ‘Ninja Kids’: Ako dapat ang bida roon, pero…

Luis Manzano at Edu Manzano

MARAMING rebelasyon ang award-winning veteran actor at TV host na si Edu Manzano sa naging chikahan nila ng anak na si Luis Manzano sa bagong vlog nito sa YouTube.

Game na game na sinagot ng partner ngayon ni Cherry Pie Picache ang mga feel-good at maiintrigang questions ni Luis kabilang na ang relasyon nila bilang mag-ama.

Parehong naging emosyonal sina Luis at Edu sa nasabing vlog na may titulong, “The Conversation I Never Had With Daddy Yow” lalo na nang mapa-throwback sila noong bata pa ang mister ni Jessy Mendiola.

Isa sa mga unang tanong ni Luis sa kanyang tatay ay ang kung ano ang naramdaman nito noong ipinanganak siya ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.

“The feeling was overwhelming kasi iniisip ko, ‘Wow, sa akin nanggaling ‘yan.’ Kung paano mo palalakihin para maging isang responsableng indibidwal, na lahat ng kanyang magagawa o gagawin sa buhay ay pawang positibo lamang,” pahayag ni Doods.

Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan yung panahong siya mismo ang nakakasama ni Luis kapag pumapasok ito sa school at nagsisimula nang bumuo ng sarili niyang buhay bilang estudyante.

“Dati kapag hinahatid ko sa school ‘to, araw-araw, ako naghahatid sa classroom. Lagi kaming naka-holding hands. Lagi yun, Grade 1, Grade 2.

“Pero pagdating ng Grade 5, lumalaban na ‘yung kamay, eh. Bumibitaw na. Tapos kapag hinatid mo, ‘Dad, mga classmate ko nandyan.’ So naramdaman ko na, ito na, magbabago ‘yung aming relasyon,” kuwento ni Edu.

Nagpaliwanag naman si Luis tungkol dito, “Kasi, feeling ko naman eh, dumadaan lahat ng mga anak sa phase na ‘yan. And afterwards you realize…ako personally, na-realize ko, pagkatapos ko daanan ‘yung phase na ‘yun, I wouldn’t mind holding your hand every day.”

Proud na proud namang ipinagmalaki ni Edu ang anak sa buong universe dahil never daw siyang binigo ni Luis sa lahat ng bagay mula noon hanggang ngayon.

“You never disappointed me. I was very, very happy because isa lang ‘yung usapan natin noon, eh. Bata ka pa lang, makikitang meron ka nang talento. Noon pa man, marami nang kumukuha sa ‘yo. 

“They would say, ‘Yung anak mo nga eh, pwede na kumita ‘yan. Halika, gawin nating artista ‘yan.’ Ako naman, ‘yung sinasabi ko lagi, kailangan makapagtapos ka muna, at kapag nakapagtapos ka na, bahala ka sa buhay mo,” aniya.

Kasunod nito, naikuwento nga ni Luis na kasama sana siya sa classic Regal Films movie na “Ninja Kids” noong 1986.

“Totoo ‘yun. ‘Yun ang in-instill sa akin ni Daddy ever since. Tapusin mo lahat, bago ka pumasok sa kung anu-ano. In fact, trivia. ‘Yung movie na Ninja Kids, sina JC Bonnin, Herbert Bautista, Ramon Christopher, ako dapat ‘yung bida doon. 

“Kinukuha ako ni Mother Lily (Monteverde) nu’ng time na ‘yun. Pero sabi nga, school muna ang aking uunahin, which I did naman,” chika ng TV host.

Medyo maluha-luha naman si Edu nang sagutin ang tanong ni Luis kung meron siyang gustong baguhin bilang isang tatay.

“I realized na ang bilis-bilis mong lumaki and you became so, so busy. But then I also learned na hindi mo pwedeng ipilit ‘yung sarili mo sa mga anak mo. 

“Ang importante, mabigyan mo ng tamang direksyon, isang matibay na pundasyon at kahit papaano eh mananatili ka lagi sa kanilang isipan at puso,” paliwanag ng beteranong aktor at TV host.

Patuloy pa niya, “Actually, I did not see a need kung bakit pa ako kailangan makialam sa buhay mo. Kasi alam mo na kung anong dapat mong gawin. And whatever you did, you did it well. So doon ang pride ko. Kaya sinasabi ko, wala akong regrets. My son did it all, and did it well.”

Meron pa ba siyang hindi nasasabi kay Luis na nais niyang iparating ngayon sa anak? “Ako naman kasi, I’m very outspoken ‘di ba, lagi ko namang sinasabi sa ‘yo kahit minsan hindi mo nagugustuhang marinig. Pero I tell you. And to this day, kahit saan man tayo, I still say I love you.”

Sey naman ni Luis, “Ganu’n kami lahat magkakapatid. That’s one thing na hindi nawala rin sa amin. Every single time we talk on the phone, or we text, hindi nawawala sa amin ‘yung I love you.”

Sa isang bahagi ng vlog, nabanggit din ni Edu na kung hindi siya napasok sa showbiz, baka raw kinarir niya ang pagiging lawyer.

“Abogado. I’ve always wanted to be a lawyer, so I can be of service to other people,” sagot ni Doods.

“Actually you would not have come along kung tinuloy ko ‘yung serbisyo ko sa military. I always wanted to also stay in the military.

“After that, when I left the military, I wanted to go back to school. Gusto ko sana mag-masters, na hindi ko ginawa. 

“If you remember, doon ako nagsimula. Nagsusulat lang ako, comedy writer lang ako ni Ariel Ureta. If I wasn’t a lawyer, I wanted to be in the military,” dagdag pa niya.

At sa tanong kung paano ba niya nais alalahanin ng mga tao, “Mahirap ‘yun. Pero simplehin na natin, ‘He was a good guy.'”


https://bandera.inquirer.net/301509/edu-cherry-pie-naging-magdyowa-na-20-years-ago-tahimik-lang-kami-noon-it-was-almost-a-year
https://bandera.inquirer.net/283294/luis-sa-bashers-babasahin-ko-ang-comments-nyo-na-niyuyurakan-ang-pagkatao-ko

Read more...