Hirit ni Janine nang makapasok sa 100 Most Beautiful Faces 2021: I think pinakamaganda naman talaga ang Filipina

Janine Gutierrez

“FLATTERED” at super happy ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez nang malamang nakasama siya sa “100 Most Beautiful Faces 2021” ng TC Candler.

Sa dami ng magaganda at sikat na female celebrities sa buong universe, pumasok sa ika-78th pwesto ang dalaga bilang pinakamagandang babae ng nagdaang taon.

Sa finale virtual mediacon ng ABS-CBN romcom series na “Marry Me, Marry You,” natanong si Janine kung ano ang pakiramdam na mapasama sa listahan ng TC Candler (UK-based) para sa kanilang Annual Independent Critics List.

“I think pinakamaganda naman talaga ang Filipina and I’m honored, I guess,” pahayag pa ng aktres sa online presscon ng “Marry Me Marry You”.

Ayon kay Janine, bukod sa kagandahan at kasikatan, pinakamahalaga pa rin ang pagkakaroon ng hapy heart at peace of mind.

“It really has to come from the inside na masaya ka and you also make the people around you happy,” aniya pa.

Sa isang hiwalay na panayam, nabanggit na rin ng dalaga na, “true beauty is beyond skin deep”, “I think true beauty is confidence and conviction.

“I think a woman’s beauty really radiates from within, and when you have that confidence and glow from within, then it really shows and touches and everything else you do, whether it be in your work, or in your relationships, in your passion. 

“I think it’s really learning to love yourself first and having that confidence,” diin pa ng Kapamilya star.

Nasa listahan din ng “100 Most Beautiful Faces 2021” ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi na nasa ikaapat na pwesto at si Liza Soberano na nasa 18th spot. Naging number one na rin si Liza sa listahan noong 2017.

Ang K-pop superstar naman na si Lisa na member ng Korean group na Blackpink ang nasa top spot ng “100 Most Beautiful Faces 2021.”

https://bandera.inquirer.net/301672/ivana-alawi-pasok-sa-top-5-ng-100-most-beautiful-faces-2021-blackpink-lisa-no-1-sa-listahan

Read more...