Janno Gibbs nagpakatotoo: I’m not the perfect husband and father I would like to be…

Bing Loyzaga at Janno Gibbs

NAGPAKATOTOO ang veteran comedian at singer na si Janno Gibbs sa pagsasabing tulad ng nakararami, hindi rin siya perpektong asawa at ama.

Inamin ng OPM artist na may mga magagandang nangyari rin sa buhay niya nitong mga nagdaang taon pero hindi maitatanggi na meron ding mga kanegahang dumating sa kanyang buhay.

Marami rin siyang naranasang pagkabigo sa gitna ng ilang tagumpay nitong nagdaang 2021 pero ang mahalaga raw ay bumabangon siya at patuloy na lumalaban sa mga pagsubok ng buhay.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng OPM icon at songwriter na looking forward din siya sa masagana, mapayapa at malusog na Bagong Taon at kung may isang life lesson na nais niyang i-share sa kanyang fans at social media followers, yan ay ang pagiging totoo.

Ipinost ni Janno ang kanyang solo photo sa IG at nilagyan ng caption na, “Human/Nature: Though I’ve had a string of victories this year, i cant deny i’ve had my failures as well.

“I am passionate and outspoken to a fault. I am not the perfect husband and father i would like to be. I smoke, i curse and still get bouts of depression,” pahayag ng singer-comedian.

Dagdag pa niyang mensahe, sa kabila ng lahat sinusubukan pa rin niyang magpakapositibo at mas maging mabuting tao.

“Still, i try to be better w/ the help of God, family and friends. Learning from your mistakes is easier said than done. 

“Again, i still try. Here’s to another year of chances…to learn, improve and make up. Just wanted to be honest w y’all. 

“And that’s something we should all try sometime. Remember, people post only the best version of themselves on social media. 

“Reality sucks but its all worth it. No pain No gain. Happy New Year!” pahayag pa ni Janno.

Samantala, sa isang panayam naman sa asawa ni Janno na si Bing Loyzaga, isa sa mga hinahangaan niyang quality ng asawa ay ang pagiging responsableng ama, bukod sa sense of humor nito.

“He’s also a good partner. He’s a team player. Magaling din siyang ka-trabaho. Magaling siya sa partnerships. Even sa marriage namin, as a co-parent, siyempre, okay kami,” pahayag ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/290483/janno-tinablan-ba-sa-threesome-love-scene-kasama-sina-maui-at-rose-van-sa-691
https://bandera.inquirer.net/291785/janno-nagkadyowa-ng-tibo-ako-ang-first-experience-niya-tapos-nabalitaan-ko-lesbian-na-ulit-siya

Read more...