Rita Daniela at Ken Chan
HANGGANG ngayon pala ay galit na galit pa rin ang fans ng magka-love team na Ken Chan at Rita Daniela dahil hindi pa rin sila tumitigil sa pagpapadala ng kung anu-anong mensahe sa mga taga-Metro Manila Film Festival.
Ang reklamo kasi nila, bakit daw hindi man lang na-nominate ang dalawang Kapuso stars sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 2021 MMFF.
Nabasa raw kasi ng fans ng RitKen ang nasulat namin dito sa BANDERA kung bakit hindi nominado ang idolo nila sa kategoryang best actress bagay na tinanong din namin sa mga taga-MMFF.
Bakit nga ba hindi nakapasa ang pelikulang “Huling Ulan sa Tag-Araw” na idinirek ni Louie Ignacio handog ng Heavens Best Entertainment sa mga hurado ng filmfest?
Kung hindi sila nagandahan o bumilib sa pelikula at sa akting ng mga nagsiganap dito ay bakit nakapasa at nakapasok sa Magic 8 ng MMFF 2021?
Maganda ang paliwanag sa amin ng isang taong involved sa MMFF, aniya, sa 19 films na pinagpilian ay umabot naman talaga sa Magic 8 ang pelikula nina Rita at Ken base sa ginamit na batayan ng screening committee.
‘Yun nga lang, naisama nga sa Magic 8 ang movie, pero hindi nakasama sa mga nominees at nabigyan ng awards base na rin sa ipinatutupad nilang mga batayan.
“Marami ang jurors hindi lang naman iisa ang nagdedesisyon at nagre-review,” katwiran pa ng nakausap naming MMFF execom member.
At dahil walang tigil ang RitKen fans sa kaka-tag sa mga miyembro ng execom ay wala rin silang tigil sa kaka-block sa mga ito.
Para sa amin, mbes na magalit ang fans, e, panoorin na lang nila ng paulit-ulit ang pelikula nina Ken at Rita para makatulong sila na mas kumita pa ito bago matapos ang MMFF sa Jan. 7.
Sina Kim Chiu, Winwyn Marquez at Toni Gonzaga ay hindi rin kasama sa mga nominado sa pagka-best actress pero hindi naman nagalit, nagrekaml o nagwala ang supporters nila?
https://bandera.inquirer.net/300738/rita-sa-pasabog-na-love-scene-nila-ni-ken-masarap-aarte-pa-ba-ko-happy-to-serve
https://bandera.inquirer.net/301910/rita-daniela-ken-chan-hindi-nakakuha-ng-major-awards-sa-mmff-2021-dahil