Bwelta ni Roman Perez sa nanlalait sa kanyang pelikula: Panoorin muna at kapag basura doon n’yo kami awayin

Christine Bermas, Vince Rillon at Roman Perez, Jr.

HINAMON ni Direk Roman Perez, Jr. ang mga namba-bash at nangnenega sa kanyang mga pelikula at sa iba pang original movies ng Vivamax.

Nag-react ang direktor sa mga nagsasabing puro kabastusan at walang kuwenta ang ilan niyang pelikula pati na ang ilan pang napapanood sa ilang streaming sites.

Sa nakaraang online presscon ng bago niyang proyekto sa Viva Films, ang “Siklo” na pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas, ipinagmalaki ni Direk Roman na napapanahon at relatable ang kuwento ng pelikula.

“Mas Filipino ang ‘Siklo,’ mas napapanahon, Kapag napanood n’yo ito, maaalala ninyo o maire-relate ninyo o maikokonek na nangyayari ito sa Pilipinas. May nangyaring ganito sa Pilipinas hindi lang naibalita. 

“Bukod doon sa kanyang naratibo napakaimportante iyong istorya. Isa ito sa pinakamagandang screenplay na nai-produce o ginawa kong pelikula. Ito ‘yung maipagmamalaki kong kuwento. 

“Actually pwede nga itong ilaban festivals abroad, local or international. Kasi ‘yung content na dala niya napaka-universal and yet napaka-Pinoy, Pinoy ‘yung kultura,” paliwanag pa ni Direk Roman.

Sinabi pa ni Direk Roman na makakare-relate ang Pinoy sa bago niyang movie, “Recent lang kasi siya nangyari. Pero noong una kaming nag-shoot, November last year, tapos na naming i-shoot ito nang lumabas iyong balita. 

“Pero honestly may isang issue pala na ganoon sa isang religious group sa Pilipinas. Hindi lang naman iyon particular na ginawan natin ng kuwento, sari-sari rin, pinaghalu-halo, iba’t ibang religious group na kinasasangkutan dito sa ‘Siklo.’ 

“Hindi lang isa, mixed, iba’t ibang groups na mula noon hanggang ngayon,” sagot ng direktor nang tanungin kung may pinagbasehan ba siya sa tema ng “Siklo”.

Kasunod nito, sinagot nga ng direktor ang tanong kung ano ang masasabi niya sa mga nanlalait sa nga pelikula niya. 

“Kasi minsan ang iba sa atin nakita lang ang trailer, hinuhusgahan agad ang pelikula, gaya ng panghuhusga rin ng ibang tao kapag nakakapanood ng Vivamax film. 

“Again, sabi ko nga panoorin muna natin and then kapag basura o pangit doon n’yo kami i-bash. Doon n’yo kami awayin o pintasan. Pero sa akin kasi napaka-cliche pero huwag muna tayong manghusga.

“Panoorin muna natin ang pelikula kung saan ba pupunta ang pelikulang ito. Kasi ang branding natin sa mga poster, siyempre sexy pero ang kalakip nitong mga branding nito ay iyong istorya na very Filipino, very masa, na very nakakakonekta ito sa kaluluwa natin bilang mga Filipino,” sabi pa niya.

Medyo personal din daw sa kanya ang pelikulang ito, “‘Yung idolatry ang lakas ng pwersang iyon, and then tungkol pa ito sa mga Grab driver na naging frontliner natin nitong pandemya.”

Mapapanood na ang “Siklo” simula sa Jan. 7 sa Vivamax. Kasama rin dito sina Joko Diaz, Alma Moreno, Joonee Gamboa, Ayanna Misola, Rob Guinto, Andrew Muhlach, Axel Torres, Quinn Carillo,Massimo Scofield, Soc Jose, Angie Castrence, Tabs Sumulong, Ronal Moreno at Lara Morena.

https://bandera.inquirer.net/301679/hugas-siklo-ni-direk-roman-perez-pambuena-manong-pasabog-ng-viva-films-sa-2022

https://bandera.inquirer.net/299943/inigo-pascual-ibinandera-ang-malaya-tattoo

Read more...