John Arcilla
DAHIL sa mga awards na hinakot ng pelikulang “Big Night” sa ginanap na 2021 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ay lumakas itong bigla sa takilya.
Base ito sa tsika sa amin ng mga nakapanood sa pelikulang pinagbibidahan ni Christian Bables, dahil marami na raw silang kasama sa loob ng sa sinehan.
Ang Ayala Malls Circuit Cinemas kung saan nanood ang mga kaibigan namin ay nagsabing marami raw silang nanood, hindi nga lang siya sure kung nagbayad o MMFF passes ang ginamit ng mga ito.
Kaya pala ang saya-saya ng isa sa cast members ng movie at nanalong best supporting actor na si John Arcilla dahil nabalitaan niyang gumaganda ang hatak ng “Big Night” at sabay post niya ng larawan niya sa pictorial ng pelikula.
Ang caption ni John ay, “MY BIG NIGHT Pictorial of Donato Rapido. Still in Cinemas but PLEASE OBSERVE THE PROTOCOLS for everyones safety. Huwag bawasan ang SAYA PERO dagdagan ang pag iingat. Para sa ating MENTAL HEALTH at para sa PROTECTION ng iba.”
Nag-post din ang aktor ng video ng mga taong nagsasaya noong Bagong Taon na may caption na, “OMICRON ALERT. WALA NAMAN BUMABAWAL SATIN NA MAGSAYA. Pero may mga KASAYAHAN na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya o kapitbahay.
“Importante ang MENTAL HEALTH pero anong saysay nito kung MAMAMATAY KA SA VIRUS? ANGAL sa Lockdown PERO ANTIGAS NG ULO NATIN.”
Tama naman at kahit na hindi kasama ang mga probinsya sa Alert Level 3 ay tiyak na madadamay din ang mga nagsu-shooting doon dahil tiyak na maghihigpit nang todo ang LGU.
Anyway, additional info, hindi lang “Big Night” ang kumikita ngayon sa takilya dahil lumalaban din ang “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla mula sa Viva Films.
Pero nananatiling number one ang “ExorSis” mula sa TIN Can at Viva Films, “Love at First Stream” ng Star Cinema at Huwag Kang Lalabas” ng Obra Cinema.
https://bandera.inquirer.net/301214/dingdong-john-aktingan-showdown-sa-a-hard-day-lumebel-sa-bonggang-korean-version
https://bandera.inquirer.net/292960/john-arcilla-inialay-ang-venice-best-actor-trophy-sa-mga-pumanaw-na-mahal-sa-buhay