Ogie Diaz ‘wa pakels’ sa mga bashers, walang bayad sa pagsuporta kay VP Leni

Ogie Diaz

VOCAL si Ogie Diaz na si Vice President Leni Robredo ang susuportahan niya sa May, 2022 elections at ipinagdiinan niyang, “Wala akong bayad doon ha.”

Hindi raw para sa sarili niya ang dahilan kung bakit si VP Leni ang napili niya, “Support ako kay Leni ganu’n din naman kapag sinuportahan ko ang iba iba-bash rin ako, e, di doon na ako sa taong pinaniniwalaan ko.

“Gusto kong magpasalamat kay Ma’am Leni, thank you for not being corrupt for three consecutive years, COA (commission on audit) approved,” pahayag ng vlogger-actor at talent manager.

Halos lahat ng aktibidad ni VP Leni ay nire-repost ni Ogie at saka siya naglalagay ng caption tulad ng pagdalaw nito sa Cebu para alamin ang mga kailangan ng mga kababayang biktima ng super typhoon Odette.

At ang caption nito sa mga ibinahaging larawan, “Mula noon hanggang ngayon ganyan si VP Leni Robredo. Consistent na nauuna kapag kinakailangan. 

“Sa iba, pamumulitika, pero sa marami, kasi nga, hindi nila kayang bumababa sa mga tao, kaya sasabihin, ‘Pwede namang tumulong nang walang camera, walang social media.

“Ang uso ngayon resibo. Ebidensiya. Andaming resibo mula pa nu’ng hindi pa siya pulitiko sa pagtulong sa kapwa, lalo na sa mahihirap.

“Maraming kababayan, nasa-shock pa kapag pinuntahan sila mismo ng mga pulitiko sa oras ng dalamhati at sakuna.

“Di lang basta tulong. Higit ang presensya. Si Leni, totoo sa kanya ang hanggang laylayan, kailangan maabot niya. Di man lahat, naaabutan ng tulong, O napupuntahan, pero madalas siyang nakikita nang personal. Ganun din ba ang kandidato mo?” sabi pa ni Ogie.

Samantala, si VP Leni lang ang sagot sa amin ni Ogie sa tanong namin kung suportado rin niya si Sen. Kiko Pangilinan bilang ka-tandem ng una.

“Hindi for now muna, siyempre si Leni muna ang pinu-push namin kahit i-bash pa ako ng iba, wala ako pakels.

“Sabi ko nga kahit sino pa ang maging presidente hindi naman ako magugutom siguro ‘no? Ang priority ko ‘yung malasakit ko sa bansa, ‘yun naman yun,” diretsong sagot ni Ogie.

https://bandera.inquirer.net/281419/vp-leni-kamukha-raw-ni-pinty-gonzaga-pero-hirit-ni-alex-mas-maganda-kayo-sa-mommy-ko

https://bandera.inquirer.net/294886/wewearpink-celebs-nagparamdam-ng-suporta-kay-vp-leni-sa-pagtakbo-sa-2022

https://bandera.inquirer.net/289586/long-mejia-naisahang-muli-si-ogie-diaz

Read more...