Hamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

Jomari Yllana, Abby Viduya at Anjo Yllana

HANGGANG ngayon ay nananatili pa ring tahimik ang kampo ng celebrity couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya sa akusasyon ni Anjo Yllana tungkol sa kanyang campaign funds.

Umatras na sa pagtakbong kongresista sa 2022 elections ang TV host-actor dahil sa kakulangan sa pondo para sa pangangampanya. 

Ito’y dahil may “nagbulsa” umano sa campaign funds na ibinigay ng kanyang sponsor para sa kanyang kandidatura sa 4th district ng Camarines Sur.

Sa isang panayam, hindi pa binanggit ng aktor-politiko ang pangalan nina Jom at Abby pero aniya masamang-masama ang loob niya sa mga ito dahil sa ginawa sa kanya. Tumatakbo uli sa pagkakonsehal si Jomari sa first district ng Parañaque City.

Sa isang Facebook post ni Anjo nitong Jan. 1, 2022 (na burado na ngayon) ay diretsahan na niyang pinangalanan ang kapatid na si Jomari at ang girlfriend nitong si Abby.

Narito ang bahagi ng deleted FB post ng aktor, “I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me.

“Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me, the way the girl left her husband. I am sure cases from both the mother of their kids and the husband will also be filed,” aniya.

Kasunod nito, hinamon ni Anjo ang magdyowa na sumailalim sila sa lie detector test sa Camp Crame para magkaalaman na kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

“Kung ayaw nila ng court proceedings, simple lang kaming tatlo ni Jomari at Abby schedule a lie detector test sa Camp Crame, just to prove to my mom I am telling the truth.

“Siguro naman, kung di sila guilty, papayag sila sa hamon ko na eto.

“I am also doing this for my children who are hurting because I am a forgiving person but Andee Yllana said go for it because maybe she was there when I was going around the 4th district of CamSur, and saw from morning to the late afternoon, kahit may hika ako sinipagan ko,” pahayag pa ng dating host ng “Eat Bulaga.”

Nais din daw niyang patunayan sa nanay nila ni Jomari na siya ang nagsasabi ng totoo dahil mas pinaniniwalaan daw nito ngayon ang mga kuwento ni Jomari. 

Binura rin ni Anjo ang mahaba niyang post sa Facebook at pinalitan ng, “Tired of ranting here. I’ll just see you when I see you.”

Hiningan namin ng pahayag sina Jom at Abby tungkol sa issue sa pamamagitan ng isang taong malapit sa kanila. Agad naming ilalathala ang kanilang paliwanag kapag natanggap na namin ang kanilang official statement.

Sana’y makapag-usap nang masinsinan ang magkapatid para maayos na ang kanilang gusot at hindi na umabot pa sa korte ang lahat.

https://bandera.inquirer.net/296345/jomari-hindi-inaakalang-makakabalikan-abby-viduya-never-naming-naisip-yun

https://bandera.inquirer.net/295423/abby-viduya-lucky-charm-ni-jomari-akalain-nyo-kami-rin-pala-ang-magsasama-sa-huli
https://bandera.inquirer.net/301869/anjo-umatras-sa-eleksyon-2022-dahil-sa-pera-masama-ang-loob-ko-sa-katiwala-ko-hindi-ko-akalaing-magagawa-niya-sa-akin-to

Read more...