Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Brenda Mage at Alexa Ilacad

NAGBUNYI ang bashers ni celebrity housemate Brenda Mage nang hindi ito pumasok sa #PBBKumuCelebTopTwo. 

Brenda Mage got the lowest vote sa limang natirang celebrity housemates sa latest edition ng Kapamilya reality show na “PBB”.

Sa isang Facebook account, puro bash ang inabot ni Brenda Mage.  Deserve na deserve raw nito ang pagkaligwak at nakarma raw ito sa kanyang pinaggagawa sa ilang housemates.

“Tama lang yan sau Brenda sa ginawa muh ky Alexa, aas maraming nagmamahal kay alexa kesa sau.”

“Yan kc napapala mo tama lang yan para naman maramdaman mo kng anman ang nararamdaman ng mga ksma mo sa bahay ni kuya msakit din pla no kng babalik satin ang kagagawan ntin.”

“Ang masasabi ko lang…deserve niya yan. Denial kasi sa mga sinasabi tungkol kay Alexa at sa iba.”

“Masasabi ko lang na napatunayan niya kung ako ang meaning ng name niya deserve niyang maligwak ok bye!”

“That’s exactly what they call KARMA.”

“Okay naman sana siya. Sabi nga nya malaki AMBAG nya. (ano ba yan hahaha) Nagpasama lang. Napaka mapuna nya sa loob.”


Recently, na-interview si Alexa about Brenda Mage kung saan inamin niya na na-hurt siya sa sa mga pinagsasabi sa kanya ng comedian, ““I’m not gonna lie and be hypocrite. And I will say na masakit. Ang sakit talaga. Wala akong kaaydi-idea na para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya.

“So, if I were to approach that person siguro it would take time. I think, for the other side kesa sa akin, kasi mabilis akong magpatawad. And I don’t like holding grudges. I think life is too short for all of that.

“So, for me, if mag-apologize man siya o hindi, I will choose to be the bigger person, as always. And also, kung makita ko man siya, I’m a professional. I will be civil with that person.

“Respeto pa rin ang dapat manaig at kung siya wala siya nun, para sa akin that’s not my problem,” sabi ng aktres.

Read more: https://bandera.inquirer.net/301860/alexa-na-hurt-sa-pinagsasabi-ni-brenda-mage-para-na-pala-akong-pulutan-sa-bahay-ni-kuya#ixzz7GuLAFi2f
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

* * *

Meron nang 33,709 pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette ang naabutan ng tulong sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya, na patuloy pa rin ang relief operations sa mga lugar na nasalanta.

Kabilang sa mga tumanggap ng relief packs kamakailan lang ang 1,141 pamilya sa San Francisco, Southern Leyte, kung saan 2,000 indibidwal din ang nabigyan ng mainit na pagkain mula sa Mobile Kitchen.

Sa Cebu naman, 136 pamilya mula sa San Roque, Liberon Carcar Marigondon Evacuation Center, Lapu Lapu Bankal Elementary School ang nahatiran ng food aid habang sampung komunidad ang binigyan ng water purification equipment mula sa Adtel para makagamit ng malinis na tubig.

Aabot din sa 2,100 pamilya sa iba-ibang barangay sa Surigao City ang tumanggap ng relief packs, gayundin ang 5,000 pamilya sa San Joaquin, Iloilo at Tobias Fornier at Anini-y sa Antique.

Una na ring nakarating ang ABS-CBN Foundation at ang ABS-CBN News Public Service team sa La Libertad, Negros Occidental na lubha ring tinamaan ng bagyo.

Sa panayam sa “TV Patrol,” ibinahagi ng residente na si Jonalin Tulisana ang damdamin matapos magdiwang ng Pasko sa evacuation center.

“Basta kumpleto lang ang pamilya namin, tapos wala sa amin nasaktan. Buo pa rin kami. Kahit may bagyo man, buo pa rin kami sa Pasko,” sabi niya.

Nagpasalamat din siya sa natanggap na tulong, “Ang layo-layo niyo, nakarating kayo rito. Maraming salamat po talaga.”

Patuloy ang pag-iikot ng ABS-CBN Foundation lalo na at marami pa ring mga pamilya ang naghihintay at umaasa sa tulong matapos ang trahedyang sinapit. Anumang halaga ay malaki ang matutulong sa kanila. 
https://bandera.inquirer.net/301114/brenda-mage-nag-alala-sa-pamilyang-naapektuhan-ng-bagyong-odette-babalik-na-naman-po-sila-sa-umpisa
https://bandera.inquirer.net/299314/brenda-mage-kay-alexa-wala-siyang-silbi-ganda-lang-talaga-panay-lamon-pa

Read more...