Alden Richards
SA wakas, naranasan din ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang magkaroon ng “birthday salubong” kahapon ng madaling-araw, Jan. 2.
Ipinagdiwang ng Pambansang Bae ang kanyang 30th birthday kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.
Noong Pasko pa nasa Amerika ang family ng Kapuso heartthrob kasama ang ilan pang mahal sa buhay at doon na rin nila sinalubong ang Bagong Taon.
Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Alden ang ilan niyang litrato na kuha sa simpleng selebrasyon sa kanyang kaarawan.
Makikita sa mga IG photos ang pag-blow niya ng kandila sa kanyang birthday cake at dito nga niya nabanggit na first time niyang ma-experience ang birthday salubong.
Sabi ng binata sa caption, “Grateful for 30 fruitful years. Thank you for all the greetings. God has always been so good. P.S. First birthday salubong ko pala ‘to. Hahaha!”
Bukod dito, nagpasalamat din ang award-winning actor sa lahat ng nakaalala at bumati sa kanya sa pamamagitan ng Twitter.
“Maraming salamat sa lahat ng bumati,” ang tweet ni Alden.
Isa sa libu-libong bumati sa aktor sa kanyang espesyal na araw ay ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon na talagang nag-post pa ng litrato nila ni Alden kasama ang anak niyang si Keempee de Leon.
“Today is The Feast of The Solemnity of Epiphany of Our Lord! And today is the birthday of the guy on my left! Happy birthday, Richard,” aniya sa caption.
Dugtong pang mensahe ng “Eat Bulaga” host, “The guy (Keempee) on my right will celebrate his on January 8! Happy birthday, Joseph Joachim!”
Narito ang ilan pang birthday greetings ng mga netizens kay Alden.
“I scrounged up whatever I could find at home and this is what I came up with to celebrate Alden’s 30th birthday. Hihi. Happy birthday! Kain Tayo! @aldenrichards02!”
“A source of inspiration, you’re special and thought about so warmly. May all your hopes and wishes come true, Happy Birthday!”
“Happy Birthday Alden Richards! May this day be filled with love & joy! @aldenrichards02. We Love GMA 7!”
“Cheers to a good and well lived life! Cheers to another fruitful year! continue to be an inspiration and the source of happiness for many. always praying for you and for your well being!”
“Wishing you happiness and a good health always. I always believe in your ability and talent as an actor and I know you can do more. Always here to support you.”
Para sa lahat naman ng mga fans ni Alden, huwag nang bibitiw sa huling linggo ng Kapuso primetime series na “The World Between Us,” 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/298302/2-scholar-ni-alden-naka-graduate-na-sa-college-magko-concert-para-sa-batang-gustong-mag-aral
https://bandera.inquirer.net/295707/ano-ang-matagal-nang-hiling-ni-daddy-bae-na-gustong-tuparin-ni-alden