Mga sinehan sa NCR bukas pa rin sa ilalim ng Alert Level 3 — MTRCB

SA lahat ng mga nagtatanong kung pwede pa bang manood sa sinehan ng mga pelikulang kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival, may sagot na agad diyan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Tatagal hanggang Jan. 7 ang pagpapalabas ng walong entry sa 2021 MMFF at sa pagbabalik nga ng Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) dulot ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa nitong nagdaang linggo magbubukas pa ba ang mga cinema, lalo na yung mga nasa mall?

Ngayong araw, ipinahayag ng pamunuan ng MTRCB sa pamamagitan ni Executive Director II and Spokesperson Benjo Benaldo, na mananatili pa ring bukas ang mga sinehan sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3.

Narito ang official statement ng MTRCB hinggil dito: “Ipinaaalam sa publiko na ang mga sinehan sa National Capital Region (NCR) ay mananatiling bukas kasabay ng pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 3. 

“Alinsunod sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) resolusyon bilang 155, ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 3 simula Lunes, Enero 3 hanggang Enero 15, 2022, bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

“Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga sinehan ay pinahihintulutan na mag-operate sa mga sumusunod na maximum allowed capacities, sa kondisyon na ang mga on-site na empleyado nito ay fully vaccinated:

“Indoor Cinemas: 30% para sa mga fully vaccinated.

“Outdoor Cinemas: 50%.

“Kami ay nananawagan sa publiko na maging mga responsableng manonood sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards. 

“Hinihikayat din namin ang mga mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng inyong mga lokal na pamahalaan. 

“Sama-sama po tayo tungo sa isang malusog, ligtas, at masaganang bagong taon.”

https://bandera.inquirer.net/291959/3-direktor-ng-viva-hindi-pabor-na-makialam-ang-mtrcb-sa-mga-pelikula-sa-digital-platforms
https://bandera.inquirer.net/293129/bwelta-ni-janno-sa-basher-parang-gusto-ko-na-ngang-tumakbo-for-pres

Read more...