Winwyn baby girl ang unang magiging anak; ayaw pa ring ipakita ang mukha ng dyowa

Winwyn Marquez

“IT’S a baby girl!” 

Yes! Magkakaroon na ng little princess ang dating beauty queen at Kapuso actress na si Winwyn Marquez.

Sa bagong vlog ng 2017 Miss Reina Hispanoamericana titleholder na may titulong “Gender Reveal — Thank you 2021!” ibinahagi niya ang mga naging kaganapan sa kanyang gender reveal party.

Sa nasabing video, makikita ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez kasama ang kanyang non-showbiz partner na may hawak na black balloon. 

At nang paputukin na nga ito ni Winwyn, bigla itong nagbuga ng pink na usok with matching confetti na ang ibig sabihin nga ay baby girl ang ipinagbubuntis ng aktres.

Tuwang-tuwa naman ang pregnant Kapuso star sabay yakap sa tatay ng kanyang magiging anak.
Niyakap din ng aktres ang kanyang mga kapatid at magulang nang ma-reveal na ang gender ng kanyang baby.

Ibinahagi rin ni Winwyn sa kanyang mga fans at followers sa Instagram ang gender reveal party kasabay ng pagsalubong nila sa Bagong Taon.

“Page 365 of 365. 2021 gave me the best things despite our situation now…

“Aside from the blessings I received from work, God gave me a partner who gives me infinite love and support and a baby to complete our family,” aniya sa caption.

“We can’t wait to meet YOU my love! Happy New Year everyone!!” dagdag pa ng Kapuso actress.

Kapansin-pansin naman sa vlog na  tinakpan ang mukha ang partner ng aktres, meaning pilit pa ring itinatago ni Winwyn ang identity ng tatay ng kanyang magiging baby.

Nito lang nagdaang December ibinandera ni Winwyn ang kanyang pagbubuntis. Inamin niya sa presscon ng pelikula niyang “Nelia” (entry sa 2021 Metro Manila Film Festival) na ilang buwan na siyang nagdadalang-tao.

“I am on my way to my second trimester,” ani Winwyn. Aniya, talagang itinago muna niya sa publiko ang tungkol sa kanyang pregnancy.

“Hanggang hindi pa sure lahat, I wanted to keep it for me and for my family to enjoy muna. Hindi ko rin naman in’expect na lalabas (itong movie) sa MMFF.

“I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi ang hirap din naman talaga itago. Kailangan ko rin talaga tulungan ’yung film na i-promote kahit online. 

“Gusto ko rin talaga makapunta sa presscon and be with everyone kahit medyo nag-a-adjust pa ’yung body ko with everything,” paliwanag pa ng future mommy.

Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!?

Read more...