Kylie nag-promise sa 2 anak nila ni Aljur: Mama is not perfect, but mama will try her best

Aljur Abrenica, Kylie Padilla, Alas Joaquin at Axl Romeo Abrenica

GUMAWA ng madamdaming tula ang Kapuso actress at celebrity mom para sa kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Ipinost ito ni Kylie sa kanyang YouTube channel kamakalawa, Dec. 30 kung saan ibinahagi niya ang ilang mga bonding moments nila ng dalawang anak nitong holiday season.

Ayon sa nakahiwalay na asawa ni Aljur Abrenica, inaasahan na niya na sa mga susunod na araw ay magtatanong na sina Alas at Axl tungkol sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid, kabilang na ang usapin about love.

“I want you to know, my sweetheart, mama is not perfect but mama will try her best,” ang bahagi ng tula na ginawa ng aktres na mababasa nga sa kanyang YouTube video na may titulong, “A Poem for my Boys.”

Pagpapatuloy pa niya, “It’s when you’re at your lowest, when you’re tired, when you’re aching, and you feel kind of lost. You find your compass and you hold on to it.”

Gagawin din daw niya ang lahat para maprotektahan at mapalaki ng maayos ang mga anak.

“You are my guiding light, my ray of hope in dark places. You are love, my love. One I’ll never let go of. I’ll try to always keep you safe and not let any moment go to waste. 

“Mama is not perfect but you love me still. You heal me in every moment, and I’ll do my best to deserve it…

“Whatever road that brought us here, I’ll walk tall and strong for you. I love you both. I always will,” ang sabi pa ni Kylie.

Samantala, may mga tagasuporta naman ang aktres na nagsabing ipagdarasal nila na sana’y magkabalikan na sila ni Aljur dahil feeling nila, mahal pa rin ng celebrity couple ang isa’t isa.

Ikinasal sila noong 2018 at last July, 2021 nga ay kinumpirma nilang tapos na ang kanilang married life. Naging “national issue” pa nga ang kanilang break-up dahil talagang pinag-usapan ito ng madlang pipol.

Sa isang panayam kay Kylie, sinabi nitong maayos na ang co-parenting relationship nila ng aktor at umaasa siya na hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga anak sa paghihiwalay nila ni Aljur.

Kylie gumawa ng tula para sa birthday ni Robin, todo pasalamat sa ama

Read more...