Julius Babao nagpaalam na sa ABS-CBN, papalitan daw si Raffy Tulfo sa news program ng TV5

Julius Babao

BAGO tuluyang magpaalam ang 2021, pormal nang nag-goodbye ang veteran broadcast journalist na si Julius Babao sa ABS-CBN kagabi Dec. 31.

Bilang pagkilala at pasasalamat sa 28 years ng pagiging Kapamilya, isang video ang ipinalabas sa “TV Patrol” kung saan napanood ang ilang clips mula noong magtrabaho siya sa ABS-CBN.

Pagkatapos mapanood ang inihandang sorpresa ng mga kasamahan sa “TV Patrol”, ang unang reaksyon ni Julius ay, “Parang ang tanda-tanda ko na doon sa video na iyon, ha!”

Pagpapatuloy pa ng mister ni Christine Bersola, “Hindi po ito pagpapaalam kung hindi isang pahayag ng pasasalamat sa lahat ng aking mga naging Kapamilya sa loob ng 28 taon. Dito na po ako lumaki sa ABS-CBN—kung inyong mapapansin, napakapayat ko pa noon.

“Nagkaroon ng magandang karera, nakilala ang aking magandang asawa at nagkaroon ng pagkakataon na makatulong sa maraming mamamayan,” sabi pa ng news anchor.

Pinasalamatan din niya ang mga bossing ng Kapamilya network kabilang na ang ABS-CBN News head Ging Reyes, ang late “TV Patrol” director na si Rolly Cruz at dating reporter na si Boo Chanco.

“Hindi ko na masyadong iisa-isahin mga Kapamilya, sasabihin ko na lang po, dito sa ABS-CBN natupad ang mga pangarap ko sa buhay.

“Nagpapasalamat po ako ng lubos sa mga naging boss ng ABS-CBN, unang-una na kay Mr. Gabby Lopez. Sir, thank you. Mr. Freddie Garcia, Ma’am Charo Santos-Concio, at kay Mr. Rolly V. Cruz.

“Maraming salamat din po kina Mr. Mark Lopez, Mr. Carlo Katigbak, at Tita Cory Vidanes. Salamat sa taong unang tumanggap sa akin dito sa ABS-CBN, si Mr. Boo Chanco at si Mr. Rolly Reyes.

“At sa aking mga naging ama sa industriya, Jake Maderazo at kabayan Noli de Castro at kay Tita Arlyn de Castro, maraming, maraming salamat po.

“At sa aming boss sa ABS-CBN News and Current Affairs, Miss Ging Reyes, maraming salamat, Ging, sa 28 years nating pagsasama sa trabahong ito at pag-unawa sa dahilan ng aking paglisan.

“At higit sa lahat, thank you po sa lahat ng empleyado ng ABS-CBN, mga dating empleyado ng ABS-CBN, mga Kapamilya, sa mga viewers na nakasama ko sa aking paglaki sa harap ng telebisyon at radyo.

“Hindi ko po mararating ang kinatatayuan ko ngayon kung hindi po dahil sa inyo kaya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

“Hangad ko mga Kapamilya ang pagbabalik ng ABS-CBN sa free television at sa radio sa darating na panahon,” tuluy-tuloy na pahayag ni Julius.


Mensahe naman sa kanya ng co-anchor na si Zen Hernandez, ang partner niya sa “TeleRadyo Balita,” “Mixed emotions, pinagpraktisan ko ito, partner, para hindi ako umiyak.

“Mixed emotions talaga kasi matagal din tayo nagsama, since 2015 di ba? Six years, di ba, going seven sana kung hanggang 2022.

“Pero malungkot man, I’m thankful na nakatrabaho kita dahil kung ikaw, natupad ang pangarap mo dito sa ABS-CBN, ako, natupad ang pangarap ko na makatrabaho ka. Alas Singko Y Media, isa ako sa mga suking nanunuod niyan!” aniya pa.

Narito naman ang official statement ng ABS-CBN sa pag-alis ng news anchor, “Julius Babao announced tonight (Dec. 31) on TV Patrol that he is signing off as a Kapamilya news anchor. On Sunday (Jan. 2), he will make his final broadcast on TeleRadyo Balita.

“Julius began his career in broadcast journalism at ABS-CBN, where he embodies the company’s mission of service for 28 years by reporting on important national issues and events, producing unflinching exposes of abuses that benefited the helpless, and serving Filipinos in need of various types of assistance through his TV and radio programs.

“We respect his decision to pursue his professional career outside of ABS-CBN and wish him well in his future pursuits.”

Ayon sa mga naglabasang chika, baka si Julius ang pumalit kay Raffy Tulfo bilang anchor sa news program ng TV5 na “Frontline Pilipinas.” Ito’y dahil tatakbo ngang senador si Raffy sa 2022 elections.

https://bandera.inquirer.net/301696/julius-goodbye-na-rin-sa-abs-cbn-karen-may-hugot-bilog-ang-mundo-at-alam-ko-magkikita-tayong-muli

https://bandera.inquirer.net/299213/christine-julius-negative-sa-cancer-early-detection-is-the-key-praise-god

Read more...