Andrew E at Rose Van Ginkel
NAPAKARAMING dapat ipagpasalamat ng rapper-comedian na si Andrew E ngayong taon, kabilang na ang pagbuti ng kanyang health condition.
Bukod dito, muli ngang nabuhay ang kanyang showbiz at singing career matapos bigyan ng sunud-sunod na proyekto ng Viva Artists Agency.
“I’m so happy. First of all, naibalik ako sa aking good health wherein one and a half years ago, I got hospitalized and nagkaroon ako ng operation sa aking lower shoulder.
“And du’n pa lang nagpapasalamat na ako na nailigtas ako du’n and at the same time naibalik pa ang aking kalusugan and more so.
“Often I’m thinking na nagpapasalamat din ako sa Panginoon na nabiyayaan din ako ng biyayang hindi natatanggap ng karamihan. So para sa akin doon pa lang nagpapasalamat na ako for 2021,” ang pahayag ni Andrew sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang sexy-comedy na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2.”
Aniya pa, utang din niya sa Viva lalo na kay Boss Vic del Rosario ang pagiging aktibo muli sa showbiz. In fairness, halos tatlong dekada na rin siya sa entertainment industry.
“The mere fact na yung mga kanta ko from 14 to 17 years ago na tini-TikTok, natutuwa ako na kahit luma yung kanta ko and kahit hindi ako active sa social media, eh talagang ina-appreciate ng mga kabataan na yun ang aking music.
“To the extent na Viva made a way na magkaroon pa ng pelikula under those titles which is yung ‘Shoot! Shoot!’ and at the same time itong ‘Aussie Aussie’ na under sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo. So du’n pa man ay pasalamat na ako talaga. 2021 is so great for me and I’m looking forward to a very bright and a very energetic 2022,” pahayag ng rapper.
Samantala, natanong din si Andrew kung bakit hindi siya masyadong natsitsismis na babaero kumpara sa mga kaibigan at kasama niya sa “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2” na sina Janno Gibbs at Dennis Padilla.
“Wala namang mapag-uusapan sa akin kasi in the 30-year span of my career, halos wala naman akong naging girlfriend or steady except yung the ‘90s. But after that parang in one decade, parang wala naman akong ganu’n.
“Then after that nag-asawa na ako around 2000. So it ran two decades na may pamilya na ako and may asawa na ako. So kung gumagawa man ako ng mga movies at album.
“Parang wala rin naman akong naging parang celebrated na girlfriend or what, parang ganun di ba? I want to be honest much more than I am pero mukha ngang wala eh,” katwiran niya.
Nasa Amerika ngayon ang komedyante at mananatili siya roon kasama ang kanyang pamilya hanggang Jan. 3. Dumalo sila sa New Year countdown sa Universal Studios kahapon.
“In fact, two years ago they stopped doing that but ngayon ire-resume nila ulit and me and family got the tickets already. And at the same time, ila-live ko yun sa aking Facebook account para makita ng tao that there will be four simultaneous concerts na mangyayari,” kuwento niya.
Palabas na ngayon ang Vivamax Original movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!” na idinirek ng veteran actor na si Al Tantay.
https://bandera.inquirer.net/293034/andrew-e-game-na-game-pa-rin-sa-halikan-sa-pelikula-naka-jackpot-sa-2-seksing-leading-lady
https://bandera.inquirer.net/299800/andrew-e-3-dekada-na-sa-showbiz-pero-walang-nakaaway-hindi-nyo-kayang-ubusin-ang-pasensya-ko