Markki Stroem na-trauma sa ‘notoryus’ at palasigaw na direktor kaya tumigil sa pag-aartista

Markki Stroem

SOBRA palang na-trauma si Markki Stroem sa kilalang film and TV director ilang taon na ang nakararaan kaya huminto siya sa pag-arte.

Pakiramdam daw kasi niya ay wala siyang alam o hindi siya nababagay sa larangang pinasok niya.

Unang nakilala si Markki nang maging finalist sa “Pilipinas Got Talent” season 1 taong 2011 at 2012. Pagkatapos nito sumabak siya agad sa pag-arte na hindi naman bago sa kanya dahil may background na siya sa teatro under Atlantis Production at Repertory Philippine.

Kaya labis na nagpapasalamat ang singer-actor sa producer-director niyang si Shandi Bacolod para sa Gagaoolala Originals series na “Love at the End of the World” produced by Temporary Insanity Pictures dahil muling bumalik ang tiwala sa sarili para umarte.

Ito ang inamin ni Markki nang makapanayam namin sa gala night ng bago niyang series na ginanap sa Cinema ’76 Anonas nitong Miyerkules ng gabi.

“Na-trauma ako before sa pag-arte , may director na hindi ko masyado (gusto), well this person screamed me a lot and I lost interest and faith and who I am as an actor and that’s not what Shandi did.

“Si Shandi was able to lift me back-up, sabi niya, ‘magaling ka kaya mo ‘to, kaya mo ‘to.’ At ‘yan ang magaling na direktor, a director who helps you not a director who pushes you down,” kuwento ni Markki.

Ang bago niyang serye ang unang face-to-face shoot ni Markki pagkatapos ng mahabang taon, pero may ginawa siya last year, ang “Unlock: Andrew & Brix” dahil bestfriend niya raw ang direktor nitong si Adolf Alix, Jr..

“Bumalik ako sa Unlock kasi friend ko si Adolf super close ko ‘yun pero sa phone (shoot) lang ‘yun.  Ito ‘yung first face to face ko,” aniya pa.

Ilang taon dinibdib ng aktor ang paninigaw sa kanya ng direktor na ayaw nang banggitin kung sino, at kahit na anong kulit namin ay ayaw talagang sabihin ng binata.


Diin pa ni Markki, “Hindi ko sasabihin kasi baka ano…ito kasi very notorious ‘tong direktor na ‘to sobrang notorious dalawang beses ko na siyang nakatrabaho as in na-demoralize ako sa skills ko as an actor.

“Nag-focus na lang ako sa teatro. And it’s not copacetic to be a functional human being on screen kasi kung mag-scream-scream lang ‘yung direktor hindi mo magagawa ‘yung project mo ng maayos,” diin pa niya.

Sa tanong namin kung nakapag-usap na sila ng direktor at kung humingi ito ng dispensa sa kanya, “Nag-uusap kami nakita ko pa nga siya sa…pero may trauma pa rin ako. Kapag nakikita ko siya (minuwestrang takot at nakayuko),” pagtatapat ni Markki na sabi namin ay hindi na maganda ito para sa kanya.

Teka, bakit nga ba siya sinigawan ng nasabing direktor, hindi ba siya makaarte at hindi niya maibigay ang hinihingi ng eksena.

“For example nagkaproblema siya sa lead star, hindi niya puwedeng pagalitan ‘yung lead star, papagalitan niya ako. So, may mga times talagang… trauma talaga,” pagtatapat ulit ng aktor.

Kaya kahit ang dami-daming offers noon kay Markki na mag-guest sa mga series ay lagi niyang tine-turn down at ang excuse niya ay, “Baka hindi ko mabigyan ng justice.

“And this year (2021) sige let’s do this gagawin ko lahat ng kaya ko, I will give all my efforts nagawa ko and then naging drag queen naman ako sa isang series,” sabi pa niya.

Samantala, tiyak na hit ang BL series na “Love at the End of the World” (may 10 episodes) dahil laplapan to the max ang magkaka-partner at may frontal nudity pa.

https://bandera.inquirer.net/282499/markki-stroem-biktima-rin-ng-pambu-bully-sa-school-lumaban-sa-matinding-depresyon

https://bandera.inquirer.net/293081/markki-stroem-naghanap-ng-masasakyan-sa-tagaytay-nang-naka-underwear-lang-para-kuya

https://bandera.inquirer.net/280389/markki-stroem-walang-takot-na-naghubot-hubad-sa-talahiban

Read more...