Nadine bayaning-bayani sa ginawang pagtulong sa Siargao; Kim, Xian tinukso na magpakasal na

Xian Lim, Kim Chiu at Nadine Lustre

SA mata ng isang netizen ay bayaning-bayani si Nadine Lustre.

Ito ay matapos magkuwento ang isang photographer and surfer named Lea Duhaylungsod sa social media. 

Itsinika nito ang naging struggles ni  Nadine basta maihatid lang ang tulong niya sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao. 

“This girl travelled 6 hours on a little pump boat in the middle of the vast ocean in the middle of the night to get to Siargao. Proud and grateful for your help, Nadine.”

‘Yan ang post ni Lea sa social media.

Actually, may nakita pa kaming post sa social media which said na pinakyaw ni Nadine ang solar panels sa isang depot store.

Nadismaya man ang isang female netizen dahil inubos ni Nadine ang lahat ng solar panels ay natuwa ito nang malamang ipinamigay ito ng dalaga sa mga nasalanta ng bagyo sa Siargao.

Talagang tuwang-tuwa ang netizens sa gesture na iyon ni Nadine.

Sana ay tularan si Nadine ng kapwa niya artista. Siya kasi, talagang nagpunta siya sa sites na natamaan talaga ng bagyong Odette.


* * *

Super sweet sina Kim Chiu at Xian Lim based on the photos which the former shared on her Instagram account.

Sa Balesin nag-spend ng Christmas vacation ang “It’s Showtime” host at ang Viva Artist Agency actor. Sa kanyang  Instagram account ay nag-share si Kim  ng short videos and photos.

Hindi rin pinalagpas ni Kim ang okasyon para pasalamatan si Xian sa kanyang effort na gumastos para sa kanilang short vacation.

“Best gift I received is to be with you everyday! Thank you @xianlimm #myalways,” say ni Kim  sa kanyang caption.

Of course, the video went viral.  Talagang hindi pinalagpas ng netizens ang pagkakataon na purihin ang magdyowa. Sa isang Facebook site, lumabas ang ilang favorable comments for the couple.

“Omg! Gusto kong huminga. Hahahaha. Kilig to the max. di nakakasawang subaybayan. #purelove.”

“Awww! My heart for the both of you my favorite #kimxi.”

“What more can I ask for. This is all about how deep is KimXi’s love for each other!”

“The two of you is the best. Praying for your FOREVER!”

“Kimxi forever. Pakasal na kau!”

Read more...