Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

“HINDI pa rin pala siya nagbabago?” Ito ang komentong tanong sa amin ng isang personalidad at TV executive tungkol sa kilalang aktor.

Magkasunod na tumawag sa amin ang personalidad at TV executive dahil nabasa at napanood nila ang ginawang pagwo-walkout ng kilalang aktor sa isang event.

“Nandoon ka ba sa presscon?” tanong ng dalawa. Sabi namin nabasa at napanood namin sa Facebook live ang nangyari.

Sabi ng kilalang personalidad, “Ako rin napanood ko kasi after ko basahin, hinanap ko ‘yung link at siya naman ang nagsimulang magtanong sa host. 

“Nanahimik ‘yung host pinipilit niyang sumagot tapos nu’ng hindi niya nakuha ang gustong sagot, napikon? Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon?” aniya pa.

“Akala ko nagbago na siya. Kasi kino-consider namin siya for a project, e, may ganyan pa rin palang ugali. Sayang naman.  

“Hindi pa ba siya nadadala sa mga nawalang opportunity sa kanya?  Mahirap kasing katrabaho kapag ganyan ang attitude,” pahayag naman ng TV executive sa amin.

Katwiran namin sa TV executive ay nagkaroon daw ng technical problem ang aktor kaya nawala siya sa Zoom base sa statement ng movie company.

Giit naman ng TV executive, “Hindi ‘yan, napikon talaga siya kaya umalis. May pinanggalingan naman kung bakit ‘yun ang naging sagot ng host. Napaka-polite nga ni (host) kasi nagsabi naman siya na based on history kaya ayaw niya ng gulo.”

Katwiran naman din ng kilalang personalidad, “Hindi kasi siya napili, gusto niya siya lagi bida, gusto niya siya una. Hindi lang niya maaway ‘yung dalawa kasi sa kanilang tatlo (bida sa movie) siya talaga ‘yung iniiwasan.”

Malalaman lang ang totoo kapag mismong ang aktor na ang nagsalita kung ano talaga ang nangyari at bakit siya biglang nawala sa zoomcon.

Pero sina TV executive at kilalang personalidad ay naniniwalang “walkout” ang ginawa ng kilalang aktor sa event ng pelikula niya.

Read more...