Ogie Diaz at Marvin Agustin
NASULAT namin dito sa BANDERA nitong nagdaang Dec. 26 na maraming nagreklamong customers sa nabili nilang famous cochinillo ni Marvin Agustin.
Ayon sa mga netizens nagpa-deliver sila noong Dec. 24 at 25 ng produkto ng aktor at negosyante hindi raw nakarating ang cochinillo sa tamang oras, bukod pa sa makunat na ang balat nito at hindi worth it ang presyong P13,000.
Noong Dec. 26 ay naghahanap ng cochinillo o lechon seller ang vlogger cum talent manager na si Ogie Diaz na ipinost niya sa kanyang Facebook account.
At isa ang cochinillo ni Marvin Agustin sa inirekomenda sa kanya pero tinabla ito ni Ogie.
Aniya, “Natikman ko na ‘yung cochinillo ni Marvin, baka lang hindi kami nagkasundo nu’ng biik sa lasa. Ha-hahaha! Kaya hanap uli.”
Justified naman pala ang reklamo ng netizens na nakatikim sa roasted piglet ni Marvin dahil ultimong si Ogie ay hindi na rin umulit pa.
Naalala namin ang sabi ng negosyante sa amin, “Kapag ang customer umulit ng order sa ‘yo, kita ka na lalo na kung pumangatlo pa and so forth. Pero kapag ang customer hanggang isa lang may problema sa paninda mo.”
Bukod kay Ogie ay nagbigay din ng komento ang box-office director ng Viva Films na si Darryl Yap na hindi rin type ang cochinillo ni Marvin.
Say ni direk Darryl, “Hindi po ako nasarapan Mama Ogs, sobra sa mantika, kahit po ang sauce. Nag-feedback naman po ako, baka nataon lang din sa akin. Charot.”
Sa vlog ni Ogie na in-upload sa YouTube channel nitong hatinggabi ng Dec. 28 ay isa ito sa naging topic nila ni Mama Loi.
“E, kasi naman ‘Nay (tawag kay Ogie) sa pagkain relative ‘yan, eh. ‘Yung masarap sa ‘yo hindi masarap sa iba, ‘yung masarap sa iba hindi masarap sa ‘yo,” esplika ni mama Loi.
Balik-tanong ni Ogie, “Ikaw ba nakatikim na?”
“Natikman ko na rin ‘yun,” sagot naman ni mama Loi.
“Sino kasama mo?” tanong ulit ni Ogie.
“Ikaw! Ha-hahaha!” tumawang sabi ni mama Loi.
“Pumunta po kasi kami sa isang party, so, sabi nu’ng me kaarawan sa amin, ‘mama Ogs, oh (sabay turo sa cochinillo) binili ko ‘yan kay Marvin Agustin, tikman mo,” sabi raw ng may kaarawan.
Hirit ni Ogie sa kausap, “Ay masarap?”
“Tikman mo!” diin ng taong may pa-party.
Sabi ni Ogie kay mama Loi, “Tinikman natin di ba? Totoo ba ito? Oo di ba, grabe ‘yung hype, ‘yung press release, ‘yung marketing strategy na takam na takam si Marvin Agustin sa lechon tapos nu’ng tinikman namin, ganito lang ‘to?”
At pati sauce ay hindi rin nagustuhan dahil mantika na nga raw ‘yung kinakain ni Ogie ay pati sauce ay mantika pa rin.
“Heto na nga, merong post si Marvin hindi dahil sa post ko ah dahil nauna ito sa post ko. Humihingi siya ng sorry sa lahat ng misunderstanding sa nangyari noong 24 dahil dumagsa ang orders pero disappointed ang karamihan. Sabi nga ni Marvin, we will be better next time,” kuwento ni Ogie.
Dagdag pa, “Kung talagang gustong itayo ni Marvin ang kanyang dignidad, ang kanyang integridad at kung talagang sincere siya sa kanyang apology, sa kanyang statement na ito feeling ko dapat si Marvin ay i-refund niya ang bayad ng mga na-disappoint.
“Yung mga tao na nag-expect ng too much from his cochinillo. Tingnan natin sa mga susunod na araw ay mag-update siya. Sana ang update ni Marvin ay, ‘ito na po ‘yung mga nasoli naming bayad,'” sabi pa ng vlogger.
Naikuwento rin na yung iba ay isinauli na ang bayad at me patikim uli, “Marketing strategy ‘yan no lalo na kung gusto mo silang ligawan ulit.”
Kaya ang payo ni Ogie, “So, Marvin alam naman natin na ikaw ay isa nang chef at entrepreneur at ilan na rin ang mga restaurants mo na sabi mo nga, di ba, mas maganda kung ibalik natin ang mga tiwala ng customers natin,” pahayag ng talent manager.
Samantala, walang bagong update si Marvin tungkol sa isyu nang i-check namin ang Instagram account niya.
https://bandera.inquirer.net/301375/marvin-todo-sorry-sa-mga-customers-we-will-do-better
https://bandera.inquirer.net/282365/marvin-naging-waiter-janitor-bartender-at-mascot-hindi-mo-malilimutan-yung-first-love-mo