Kris Bernal nagpasalamat sa pagmamahal ng asawa: Kahit madalas matigas ang ulo ko at pasaway

Kris Bernal at Perry Choi

PARA sa actress-entrepreneur na si Kris Bernal, isa sa mga “best decision” na nagawa niya sa kanyang buhay ay ang pakasalan si Perry Choi.

Naging emosyonal ang aktres sa pagse-celebrate nila ng kanyang chef-businessman husband para sa kanilang third month bilang married couple.

In fairness, hindi rin naging madali para sa mag-asawa ang pagpaplano sa kanilang kasal sa gitna ng pandemya at sa pabagu-bagong health protocols noong kasagsagan ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.

Ilang beses ding na-postpone ang kanilang wedding dahil sa pandemya hanggang sa matuloy na nga ito noong Sept. 25 ma ginanap sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Magallanes Village, Makati City. 

Ipinost uli ni Kris sa Instagram ang wedding photo nila ng asawa na may caption na, “Three months as husband and wife.

“I know it’s not a big deal and it’s only three months that we’ve been together, but it’s still something to celebrate plus it’s Christmas which makes it more special,” aniya pa.


Sa isang bahagi ng kanyang mensahe, pinasalamatan niya si Perry sa pagmamahal at respeto na ibinibigay nito sa kanya mula noong nanliligaw pa lamang ito sa kanya hanggang ngayong mag-asawa na sila.

“How is it that we are only together for three months but you are already giving me so much love and care? 

“Know that I appreciate everything that you have done from the beginning until today. 

“Know that I loved every second of the times that I’ve had with you, and I can only hope that you did too, kahit madalas matigas ulo ko at pasaway.

“This made me realize that getting married to my now husband has been the best decision I have ever made,” pahayag pa ni Kris.

Pahabol pa ng StarStruck graduate, “I love you so much, Perry Choi. I don’t like seeing you upset. Tell me what I can do better. I love you too much not to figure this out.”

Samantala, magbabalik-GMA na rin si Kris sa susunod na taon at bibida sa bagong Kapuso series ma “Artikulo 247” kung saan makakasama niya sina Rhian Ramos at Mark Herras.

https://bandera.inquirer.net/292096/kris-bernal-sinabihang-super-arte-dahil-ayaw-ng-simpleng-kasal-gusto-ko-kasi-grand-lahat

https://bandera.inquirer.net/299187/payo-ni-kris-kay-aljur-ask-for-gods-guidance-kung-saan-ka-dapat-at-ano-ang-para-sa-iyo

Read more...