Beatrice Luigi Gomez
TALAGANG iniwasan ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang mag-social media noong lumalaban siya sa ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant na ginanap sa Israel.
Pigil na pigil talaga ang Pinay beauty queen sa paggamit ng socmed at paglalagay ng update sa kanyang mga accounts ng mga nangyayari sa kanya during the pageant.
Kahit na alam niyang marami siyang fans and supporters na nag-aabang sa mga kaganapan sa kanyang laban sa nasabing international pageant ay hindi raw talaga siya nagbubukas at nagtse-check ng social media.
Makikita lamang ang ilang activities na ginagawa niya habang nagaganap ang competition sa Eilat, Israel hanggang sa coronation night sa mga socmed accounts ng kanyang team at sa official Instagram at Facebook accoung ng Miss Universe Organization.
Nagpaliwanag naman si Bea kung bakit sinadya niya ang huwag mag-post sa mga personal accounts niya noong kasagsagan ng kumpetisyon.
“Even before the competition, hindi talaga ako into social media. As much as I want to do posts, ‘yung schedule namin dito is very hectic.
“Sometimes ‘yung internet connection pa is very difficult. I try to post naman when I can,” ang pahayag ng proud member ng LGBTQIA+ community sa panayam ng ABS-CBN kamakailan.
Dagdag pa niya, mas gusto niyang mag-focus sa kanyang sarili at gawin ang lahat ng makakaya para maiuwi ang titulo at korona at para hindi makaapekto sa laban niya ang online kanegahan.
“Also, I try to avoid ‘yung mga toxic comments that might throw me off in my performance,” sabi pa ni Bea.
Ngunit inamin naman niya na may ilang pagkakataon na nagbubukas din siya ng socmed para i-check ang mga feedback nang ganapin na ang preliminary competition.
“That was the only time that I looked into the comments, for the purpose of wanting to assess my performance.
“I’m very glad that there were a lot of people who told me what I should do, what I should not do, because I believe it helped me perform better during the finals,” pahayag pa ng dalaga.
Umabot si Bea hanggang sa Top 5 ng Miss Universe 2021 pero sabi ng Cebuana beauty queen ginawa niya ang lahat para mabigyan ng magandang laban ang Pilipinas at naniniwala siya na hindi na nakakahiya ang ipinakita niyang performance.
https://bandera.inquirer.net/294387/photos-ni-miss-universe-ph-2021-beatrice-gomez-bilang-reservist-trending
https://bandera.inquirer.net/294323/madlang-pipol-nagdiriwang-sa-pagkapanalo-ni-beatrice-luigi-gomez