Alexa, KD muling nag-bonding sa harap ng Bahay ni Kuya; 3 bagong ‘adult housemates’ ipinakilala na

KD Estrada, Alexa Ilacad, Thamara Alexandria, Zach Guerrero at Seham Daghlas

MATAPOS ma-evict sa Bahay ni Kuya nitong nagdaang weekend, muling nagkita ang Pinoy Big Brother Season 10 celebrity housemates na sina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Nagpa-picture pa ang dalawang Kapamilya artist sa mismong gate ng “PBB” house na nasa gilig ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Gumawa pa ng video sina Alexa at KD para pasalamatan si Big Brother at ang lahat ng mga sumuporta sa kanilang “PBB” journey na tumagal din ng ilang linggo. 

“Thank you kuya. We will miss you. KD, Lex, signing off. Housemates, we miss you,” ang mensahe ni Alexa.


Bukod sa video, nag-post din si KD sa Instagram ng mensahe ngayong nasa outside world na siya uli, “I’m back. Words can’t explain what a ride this has been. 

“But I can definitely say that I have no regrets, because even on the bad days I learned something valuable that I will always carry.

“To everyone out there going through the same thing as me, I want to say that I’m proud of you and you deserve all the good things coming your way, I know that it seems hard and the road looks unclear, but I promise that at the end of it all, you’ll find peace. I love you,” pahayag pa ng binata.

Sa paglabas nina Alexa at KD sa Bahay ni Kuya, limang housemates na lang ang natitira na maglalaban-laban sa huling mga challenges — sina Brenda Mage, Anji Salvacion, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, at Madam Inutz. 

Samantala, habang nalalapit na ang Big Winner reveal, ipinakilala na rin ang unang tatlong adult housemates na papasok para sa ikalawang hirit ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Ang mga nasabing housemates ay unang na-“unbox” sa pamamagitan ng app na kumu. Una na nga riyan si Thamara Alexandria na tinaguriang “Ang Headstrong Hottie Ng Davao.” 

Ikalawang ipinakilal si Zach Guerrero, ang “Smilennial Charmer ng Aurora” at ang ikatlong adult housemate na papasok sa Bahay ni Kuya ay si Seham Daghlas na may moniker na “Ang Brightminded Darling Ng Iloilo.” 

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

Read more...