Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

Edu Manzano, Cherry Pie Picache at Luis Manzano

KILIG na kilig si Luis Manzano habang ini-interview ang kanyang amang si Edu Manzano kasama ang bagong partner nitong si Cherry Pie Picache.

Sina Doods at Ms. Pie ang guest ng TV host-actor sa bago niyang vlog sa YouTube na in-upload kahapon, Dec. 27 na may titulong “Luis Listens To PieDu” (pinagsamang Cherry Pie at Edu).

Sabi ni Luis, ramdam na ramdam daw niya ang kaligayahan ng dalawa habang kumakain sila (bago kunan ang vlog) at super happy siya para sa mga ito.

Kuwento ng mister ni Jessy Mendiola, nalaman niya lately lang na may “past” pala sina Edu (66 years old) at Cherry Pie (51 years old). Naging magdyowa na pala ang dalawa 20 years na ang nakararaan.

“Tahimik lang kami noon. It was almost a year,” ang pagkumpirma ni Edu sa naging relasyon nila noon ng Kapamilya actress.

“Hindi niya ako makalimutan,” ang panunukso naman ni Cherry Pie nang sabihin ni Luis na may binalikan lang pala sila ni Edu sa kanilang nakaraan.

Sumunod na tanong ni Luis, kumusta na ang kalagayan ng puso ngayon ng ama, “Kahit paano, nakakahinga na, nakakahinga na ako ngayon nang malalim. Punumpuno ng saya. Nagkataon, after the 20 years, nanatili kaming magkaibigan. We never drifted apart.

“We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang mga gatherings, and we would always be talking sincerely. We knew that we still like each other,” kuwento ng veteran actor.


Sinabi naman ni Cherry Pie na isang answered prayer ang pagbabalikan nila ni Edu at talaga raw hindi niya in-expect na magkakaroon pa ng part 2 ang kanilang love story.

“We remained friends and we would always see each other. And then, every time we see each other, you know that there’s something different.

“Pero me, I always tell him nga, like magkikita, maghihiwalay na kayo and you’d feel na parang iba. Di ba, may ganoon?

“Pero I would always dismiss it because your dad has always been a charmer. Yung karisma niya, iba talaga,” pahayag ni Cherry Pie.

Comment naman ni Luis, “Ito ba yung sinasabi mo na parang nagkakasalisihan kayo? Like, for example, when dad’s available, ikaw naman you had a partner?” 

Tugon ng aktres, “Yeah, ganyan. Tapos every time na magkikita kami after noon, you’d think na parang, ‘Iba pa rin yung tingin niya?’

“Parang ganyan, but I would always dismiss it kasi nga charmer siya. ‘Huh, wala ‘yon,'” aniya pa.
Nang dahil daw sa Kapamilya series na “Marry Me, Marry You” kaya muling nabuhay ang pagmamahal nila para sa isa’t isa makaraan ang dalawang dekada.

“The chance na nakapagtrabaho kami muli sa Marry You, Marry Me, wala naman expectations, e.

“Tuloy lang iyon du’n sa aming pagkikita during the past 20 years kung saan-saan. It’s not like yung, ‘Uy, kumusta ka na?'” chika ni Edu.

Todo naman ang papuri ni Ms. Pie sa ugali ni Edu lalo na ang pagiging responsable nito bilang tatay, “He’s a very good man. Isa sa mga ugali niya na nagustuhan ko, yung uunahin muna niya lahat ng mga tao sa paligid niya tapos huli na yung sa kanya. Ganu’n siya kabait.”

https://bandera.inquirer.net/301151/vilma-sa-relasyon-nina-edu-at-cherry-pie-im-happy-i-wish-them-the-best
https://bandera.inquirer.net/299336/hirit-ni-luis-sa-relasyon-nina-edu-at-cherry-pie-feeling-ko-baka-sila-na-ang-itapat-sa-kathniel
https://bandera.inquirer.net/299621/anak-ni-cherry-pie-botong-boto-kay-edu-tsaka-malaki-na-si-mom-alam-na-niya-ginagawa-niya

Read more...