Edgar Allan bonggang bahay ang regalo sa ina ngayong Pasko: Priceless moment of my life!

Edgar Allan Guzman at Sarrie Guzman

FINALLY, naipatayo na ng aktor na si Edgar Allan Guzman ang bahay na matagal na niyang pangako sa kanyang nanay.  

Kung hindi kami nagkakamali ay more than five years na niya itong press release sa amin.

Sa pagkakatanda kasi namin ay nagsisimula pa lang si EA (tawag sa aktor) sa career niya ay pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay dahil nga umuupa lang sila kasama ang mga kapatid at ina.

Sa ilang beses naming nakakapanayam ang aktor ay lagi naming napag-uusapan ang bahay na ipinagagawa at lagi rin naming sinasabing, “ilang taon mo nang sinasabi, hanggang ngayon wala naman.”

At sa huling pag-uusap namin noong Enero 24, 2020 sa mediacon ng pelikulang “Coming Home” bago mag-total lockdown ang buong Pilipinas dahil sa COVID-19 ay muli niyang nabanggit na talagang todo ipon siya para sa pagpapatayo ng bahay ng nanay niya bago ang kasal nila ni Shaira Diaz, ang karelasyon niya ng pitong taon.

Aniya sa amin, may nabili na raw siyang lupa base sa huling pag-uusap namin na pagtatayuan ng pangarap niyang bahay para sa ina at nag-iipon ulit para pampagawa ng bahay.

Aniya, “Pangarap kong patayuan this year (2020) kasi ayokong mag-loan sa bangko, gusto ko (galing) sa sarili kong bulsa kaya nag-iipon pa kaya medyo na-delay ng konti.  Gusto ko kapag itinayo ko may matitira pa rin sa akin kahit paano, ayoko ng all out.”

At finally, naipatayo na nga ni Edgar Allan ang pangarap niyang bahay para sa mama Sarrie Guzman niya na ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Linggo ng hapon ang video na dinala niya ang ina at naka-blindfold at priceless ang reaction nito nang tanggalin na ang piring sa mata.


Ang caption ng aktor, “About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA (heart and house emoji).”

Pagkatanggal ng piring sa mga mata ay tinanong ng ina, “Ano ‘yun?”

Sagot ni EA, “Merry Christmas, bahay mo!”

Nagulat ang ina at napahiyaw sabay iyak at yakap sa anak.

Grabe habang pinapanood namin ang video ay hindi namin namalayan na tumutulo na ang aming luha dahil pagkalipas ng ilang taon, heto’t natupad na ng aktor ang matagal niyang inaasam-asam para sa nanay niya.

Tanong ng aktor sa mama niya, “Natuwa ka? Happy ka? Halika akyat tayo sa itaas.”

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

Read more...