Napoles, 5 senador kinasuhan ng plunder

NAGSAMPA ng reklamong plunder at graft ang isang citizens group laban kay Janet Lim Napoles na umano’y nasa likod ng mga bogus na non-government organization kung saan napunta ang pork barrel ng mga senador at kongresista.

Bukod kay Napoles, inireklamo rin ng Citizens Crime Watch sa Office of the Ombudsman sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bongbong Marcos, at Sen. Gringo Honasan.

Kinasuhan din sina Abono Rep. Conrado Estrella III, La Union Rep. Victor Ortega, Manila Rep. Amado Bagatsing at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Kabilang din ang mga dating kongresista na sina Rizalina Seachon-Lanete, Edgar Valdez, Rodolfo Plaza, Erwin Chiongbian, Samuel Dangwa, Robert Raymund Estrella, Manuel Ortega, Constantino Jaraula, Mark Douglas Cagas, Arthur Pingoy Jr., Federico Sandoval, Arrel Olano, Salacnib Baterina, Rodolfo Valencia, Antonio Serapio, Isidro Real Jr., Ruffy Biazon, Joel Villanueva, at Ernesto Nieva.

Ang reklamo ay isinampa nina Atty. Jose Malvar Villegeas at Carlo Batalla dahil nababagalan umano sila sa Department of Justice.

Batay sa mga ulat, ibinubulsa ng mga mambabatas ang malaking bahagi ng pork barrel na pinadadaan sa mga NGO ni Napoles.

Read more...