Christmas message ni Bea Gomez tagos sa puso; pamilya sa Cebu fastfood takeout ang Noche Buena

TAGOS sa puso ang naging Christmas message ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na nagdiwang ng Pasko na malayo sa kanyang pamilya.

Madamdamin at punumpuno ng aral ang naging pahayag at paalala ng beauty queen para sa lahat ng mga Filipino na nasa bansa pati na sa mga kababayan natin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin nakakapiling ni Bea ang kanyang nanay at kapatid na nasa Cebu ngayon at nabiktima rin ng super typhoon Odette.

Naging madilim at malungkot ang selebrasyon ng Pasko ng mga taga-Cebu at iba pang residente sa Visayas at Mindanao dahil sa kawalan ng kuryente, tubig at komunikasyon doon dulot ng bagyong Odette.

At sa gitna nga ng paghihirap at pagsasakripisyo ng mga nasalanta ng bagyo, ibinahagi ni Bea ang naging usapan nila ng kanyang ina sa telepono at kung paano ipinagdiwang ng mga ito ang Pasko.

“In a phone call last night Mama and ate shared to me that they chose to settle for a simple meal, having only fast food takeouts for dinner since there’s still no water supply and electricity back home,” ang bahagi ng post ng dalaga sa kanyang Instagram account.

“Yet, Mama reminded me of a valuable lesson as we celebrate a unique Christmas this year, that surviving the typhoon with my sister, our dogs Chabie and Choco, including all her beloved colony of stray cats was reason enough to be grateful,” aniya pa.


Ipinagdiinan pa ni Bea na nabigo ngang maiuwi sa Pilipinas ang titulo at korona sa ginanap na Miss Universe 2021, na mas mahalaga pa rin ang pamilya kesa sa kahit anong materyal na bagay sa mundo.

“When adversities arise and you lose all the material things you have, being healthy and being with your family is all that truly matters.

“The only way to overcome each of life’s challenges is to thank God and to never stop counting your blessings. I owe it to Him to give back all the grace I’ve received this year. See you in a few days Cebu!” pahayag pa ni Bea.

Sa isang official statement, sinabi ng beauty queen na nagdurugo ang kanyang puso para sa lahat ng nawalan namatayan, nawalan ng bahay at kabuhayan nang dahil sa super typhoon Odette.

Isa si Bea sa mga celebrities na naunang magpahatid ng tulong sa mga kababayan niya sa Cebu kasabay ng panawagan sa lahat ng may kakayahan na tulungan ang mga biktima ng katatapos lang na kalamidad.

Masayang bumalik ng Pilipinas si Bea pagkatapos ng 70th Miss Universe pageant na ginanap sa India ngunit nabahiran nga ito ng kalungkutan dahil sa pananalasa ni Odette.


https://bandera.inquirer.net/294653/bea-gomez-utang-ang-pagkapalo-sa-2021-miss-universe-ph-sa-mga-taong-hindi-nagduda-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/294306/beatrice-gomez-ng-cebu-city-wagi-bilang-miss-universe-philippines-2021

Read more...