Walang pusong ‘your honor’

SA Lunes, isasampa ng Department of Justice ang kasong plunder kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at mga congressmen na kasama ni Janet Lim-Napoles.

Hindi ako abogado pero hindi ko alam kung paano sila makakalusot sa kaso lalo’t may paper trail. Kahit pa sabihin na ang lagayan ay sa cash. merong namang accounting records at testimonial evidence kung tinanggap ito o hindi.

Kung fund transfer naman o bank to bank, huling huli lalo’t kung sa pangalan ng kanilang mga chief of staff inilagay ang pera.

Hindi riin uubra rito ang depensang pineke ang kanilang mga pirma, dahil sabi ni Benhur Luy sa Senate blue ribbon committee, pineke niya ang mga pirma “with consent” o pumayag ang legislator.

Iniisip siguro ng legislator na kapag pineke ang pirma niya, lusot na siya. Pero dahil meron ngang paper trail at iba pang ebidensiya, maliwanag na na napunta sa kanila ang pera kahit pineke pa ang pirma sa dokumento.

Hindi rin pwedeng i-apply ang Rabusa doctrine (kung saan nakaligtas ang mga AFP generals dahil hindi malaman kung saan galing ang perang tinatanggap nila buwan buwan), dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na ang P10 bilyong pondo ng gobyerno ang kinulimbat dito nina Napoles at mga Honorable Kurakots.

Ang hatian daw na 50 percent sa senador, 40 percent kay Napoles at 10 percent sa line agencies ang hatian, kwento ng star witness sa Senado na si Luy.

Ayon pa sa kanya, ang ilang pirma ng mga mambabatas ay pineke niya pero, ito’y merong pahintulot o permiso nito . Ibig sabihin, kapag nagkabulilyaso, sasabihin ng mga mambabatas na pineke ang kanilang mga “signatures”. Gayunman, sila rin ang tumatanggap ng komisyon.

At habang nanonood tayo, napapansin natin ang namumuong galit at sama ng loob kung bakit nagpaloko tayo sa mga taong ito.

Gusto ba nila tayong maging happy talaga? Ito ba ang tagong buhay ni Panday? At aangat ba ang Pinoy, Mr. Sexy? Kung ganitong lampas tig P50 milyon ang nakulimbat nyo sa gobyerno?

Pero, dalawang punto ang dapat bantayan dito. Una, kapag nakasuhan ng plunder o nakulong ang mga legislators na ito, sila ba’y tatanggalin sa pwesto?

Hindi po kasi pwedeng maimpeach ang mga Senador at Congressman at tanging ang mga kapwa nila Senador at kapwa nila Congressman ang pwedeng magtanggal sa kanila sa pamamagitan ng ethics committee.

Gagawin kaya ito nina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Sonny Belmonte at ng Liberal Party?
Tingin ko hindi. Pero, tiyak na bubugbugin sila sa batikos ng sambayanang Pilipino.

Ikalawang aabangan ko ay ang magiging COUNTER EXPOSE’ ng grupo nina Enrile laban kina PNoy at sa administrasyon.
Ika nga, may malaking posibilidad na sila naman ang mag-expose ng mga anomalya ng Aquino administration. Hindi ako magtataka kung mabulgar ang mga pinamigay na pork barrel sa mga Senador at Congressman noong botohan sa impeachment ni dating Supreme court Chief Justice Renato Corona. Hindi ako magtataka kung lumitaw din ang mga love letter ng

Malakanyang kay Enrile bilang Senate President.

At baka hindi lang dyan masentro ang mga expose’ nina Enrile at iba pa kundi sa ibat ibang transaksyon ng Aquino administration o ng TUWID NA DAAN.

Nauna rito ang CZECH extortion sa MRT3 ng bayaw ni Pnoy, sumunod ang Napoles connect ni Executive Sec. Paquito Ochoa at ang Busuanga property ng bayaw nitong si Jerry Acuzar ng San Jose Builders. Mga akusasyong mabilis na sinangga ng

Sa totoo lang ,natutuwa ako kapag nag-aaway ang mga pulitiko,maging administrasyon o nasa oposisyon. Mag-upakan kayo ng mag-upakan para lumabas ang mga baho ninyo. Aba’y bilyun-bilyong piso ng aming buwis pala ang pinaghahatian niyo bukod pa sa mga ari-arian ng gobyerno na pinamimigay niyo sa inyong mga kaibigan, kabarilan at kakosa. Mabuti na nga sigurong mawala iyang Senado, Kongreso at ang Malakanyang naman ay magpatupad ng malawakang pagsibak ng mga Cabinet members kung ganyan din lang ang pangungurakot na nangyayari sa Gobyerno kahit sa panahon ng TUWID DAW NA DAAN ni PNOY.

 

Read more...