John Arcilla
KUNG may isang hiling ang award-winning actor na si John Arcilla para sa kanyang career, yan ay ang maging kontrabida sa Hollywood movie na “Batman” o ang makasama sa susunod na installment ng “X-Men.”
Ayon sa co-star ni Dingdong Dantes sa Metro Manila Film Festival 2021 entry na “A Hard Day” mula sa Viva Films looking forward siya na gumanap na Filipino villain sa “Batman” o isa sa mga bagong “freak” ng “X-Men.”
“I want to see myself as one of the global actors! We’ve seen already on an international screen and we got the citation.
“Inilinya nila tayo sa mga popular and great actors across the globe like sina Brad Pitt. So parang I want to see myself to really explore and see myself as a global actor.
“Ang dami na rin kasing American-Filipino na somehow nagkakaroon na ng posisyon sa global cinema, pero ako I wanna sell myself as a Filipino in somebody’s society.
“Like a Filipino in America, a Filipino in China, a Fillipino in Russia and playing a major role or significant role in their society, in their films. Parang yon yung gusto kong i-explore ngayon,” ang pahayag ni John sa isang interview kamakailan.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si John ang kauna-unahang Pinoy actor na ginawaran ng Volpi Cup bilang Best Actor sa 78th Venice Film Festival noong September, 2021. Ito’y para sa natatangi niyang pagganap sa “On the Job: The Missing 8” na idinirek ni Erik Matti.
Sey ng kontrabida ni Dingdong sa “A Hard Day”, napakalaking achievement ng pagkakapanalo niya ng international acting award sa Venice, hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa bansa.
“I think nagdagdag yun ng confidence for all of us Filipinos. We are now being seen by the whole world, ngayon lang tayo nakikita kasi nag-o-open up na at naghahanap na ng mga bagong mga content ang mga festivals.
“But we’ve been there for so long, it is just the validation that, yes, we were actually growing together with all the filmmakers and the pioneers of the film industry global-wise,” pahayag ni John.
Nang matanong tungkol sa kanyang dream role, “Ako, kung ano yung dumating. Wala akong dream role. Wala akong dream project. Kung ano yung project at character na nandiyan yon yung favorite ko, yon yung character na tinatrabaho ko.
“But you know what, now medyo ang gusto ko talagang i-explore, I wish I can join a film project with those iconic heroes on DC or mga ganu’ng klase.
“If I can also play one of those villains sa Batman and the first Filipino villain, parang yon ang dream ko ngayon. If not, siguro one of the freak people in X-Men. Parang ang sarap lang niyang i-explore, mas ganu’n pa yung nai-imagine ko, eh, na gusto kong gawin,” aniya.
Samantala, marami ang nagsasabi na napakalakas ng laban niya sa pagka-best actor para sa pangatlo niyang MMFF entry na “A Hard Day.”
Ang una niyang pelikula sa taunang filmfest ay noong 2019 na naging top grossing MMFF film pa, ang “Miracle In Cell No. 7” at ikalawa naman ang “Suarez: The Healing Priest” na ipinalabas last year.
“Lahat naman kasi kami na entry sa MMFF ay may chance na ma-nominate. I cannot deny that all actors na part ng festival are actually expecting to win. So those kinds of predictions are really very exciting to play on.
“But hindi na ako masyadong, kumbaga, parang kung sino man ang mapili I can always respect that kasi parang kanya-kanya yan ng timing at saka ng panahon.
“It makes me excited and it can actually add colors and excitement to our audience and to the fans,” katwiran pa niya.
https://bandera.inquirer.net/301214/dingdong-john-aktingan-showdown-sa-a-hard-day-lumebel-sa-bonggang-korean-version
https://bandera.inquirer.net/286460/john-arcilla-namatayan-ng-10-mahal-sa-buhay-sa-loob-ng-1-taon-ngayong-panahon-ng-pandemya