Sushmita Sen hiwalay na sa kanyang live-in partner

Sushmita Sen hiwalay na sa kanyang live-in partner

KINUMPIRMA ng Miss Universe 1994 Sushmita Sen na hiwalay na sila ng kanyang live-in partner na si Robman Shawl.

Noong Pebrero 2021 ay may mga usap-usapan na kung hiwalay na nga ba sila pero ngayon lang ito tuluyang tinuldukan ng dating beauty queen.

Sa kanyang Instagram post ay nagsalita na si Sushmita patungkol sa matagal nang issue.

“We began as friends, we remain friends!!! The relationship was long over… the love remains!!!” saad ni Sushmita.

Mayroon rin siyang mga hashtags na “#nomorespeculations”, “#liveandletlive”, “#cherishedmemories” “#gratitude”, “#love”, “friendship” na siyang naglalarawan ng tatlong taong relasyon nila ni Rohman.


Marami naman ang nagdududa kung talagang nauwi sa friendship ang kanilang 3-year relationship dahil naka-unfollow sila sa Instagram at kasalukuyang nakikitira sa bahay ng kaibigan ang ex-live in partner ng dating beauty queen.

Nagsimula ang relasyon nina Sushmita at Rohman noong 2018 nang magkakilala sila sa social media.

Ito ay matapos mabasa ng dating beauty queen ang direct message sa kanya ng binata sa Instagram.

Labing-anim na taon ang agwat ng edad ng dating beauty quuen kay Rohman.

Isa si Sushmita sa mga beauty queens na malapit sa puso ng mga Pinoy dahil siya ang nagwagi noong 43rd editon ng Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong Mayo 1994.

 

Related Chika:
Sushmita Sen napiling judge sa Miss U; Dayanara Torres, Miss USA balik-Pinas din

 

Read more...