Marian Rivera inaming si Urvashi Rautela ang nagyaya na sayawin ang 'Sabay-Sabay Tayo' | Bandera

Marian Rivera inaming si Urvashi Rautela ang nagyaya na sayawin ang ‘Sabay-Sabay Tayo’

Therese Arceo |December 23,2021
facebook
share this

Marian Rivera inaming si Urvashi Rautela ang nagyaya na sayawin ang ‘Sabay-Sabay Tayo’

Therese Arceo - December 23, 2021 - 09:49 AM

 Marian Rivera inaming si Urvashi Rautela ang nagyaya na sayawin ang 'Sabay-Sabay Tayo'

MASAYANG ikinuwento ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang karanasan bilang isa sa mga selection committee at panel of judges sa nagdaang ika-70th edition ng Miss Universe sa Eliat, Israel.

Aniya, hinding-hindi niya nakakalimutan ang kanyang Miss Universe experience.

“Basta ‘yung moment na nandoon ako, masaya ako. Sobrang grateful ako. ‘Yun ang nasa isip ko, na ie-enjoy ko ‘yung moment kasi baka wala nang second chance, ‘di ba? Sa lahat ng pagkakataon na nandoon ako, sobrang ine-enjoy ko ang mga sandaling ‘yun,” nakangiting saad ni Marian.

Talaga namang isa ang aktres sa naging highlights ng mga Pilipino sa Miss Universe na talaga namang tinutukan at pinalakpakan ng madlang pipol.

Naikuwento rin ni Marian ang istorya sa likod ng nag-viral nilang video ni Bollywood actress at kapwa judge na si Urvashi Ratuela.

Ayon sa kanya, mismong ang Bollywood actress ang lumapit sa kanya at nagpaturo ng dance steps.

“Ang nakakatawa kasi roon, sabi niya sa akin, ‘Can you teach me your dance steps?’ Sabi ko, ‘What are you talking about?’ [Sabi niya], ‘Your Sabay-Sabay!'” kwento ni Marian.

“So tawa ako nang tawa. Kaya noong nasa stage kami, sabi niya, ‘Let’s dance’. Sabi ko, ‘Okay, let’s dance Sabay-Sabay Tayo’. Kaya nag-dance kami kasi siya mismo, sinabi niya sa akin ‘yon na sumayaw raw kami,” pagpapatuloy niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Nagulat pa nga si Marian na alam nito ang kanyang kanta at sayaw.

Siguro ay nag-research si Urvashi ng mga bagay tungkol sa kanyang mga makakasama at dahil parehas silang aktres ni Marian ay mas naging mabilis ang koneksyon nila sa isa’t isa.

Anyway, ang “Sabay-Sabay Tayo” ay isa sa mga pinasikat na kanta ng aktres noong 2009 mula sa kanyang album na “Retro Crazy”.

Dagdag pa niya, hindi lang si Urvashi ang nakasundo niya kundi pati na rin ang iba png female judges.

Ani Marian, “Sobrang grateful ko na makasama ang ibang kasama kong judges. Napaka-down-to-earth, napaka-humble to the point na naging kaibigan ko sila. So kahit na tapos na ang Miss U (Universe), may communication pa rin kami. Nag-uusap-usap pa rin kami.”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bollywood actress napasayaw ng ‘Sabay Sabay Tayo,’ napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun

Marian inakyat si Beatrice sa stage ng Miss Universe 2021, sigaw sa Pinoy fans: Proud tayo, di ba?!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending