Kyline, Mavy umamin na: It’s a yes!

Kyline, Mavy umamin na: It's a yes!

MATAGAL nang usap-usapan kung ano ba talaga ang namamagitan sa Kapuso stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Ito ay matapos mag-post ng teasing photos ang dalawa sa kanilang account noong June.

Kaya naman sa latest vlog ni Kyline ay umamin na ang dalawa sa mga tanong ng mga netizens na ipinadala sa Instagram account ni Kyline.

“Is it true na you are in a relationship?” tanong ng netizen.

Sagot naman ni Kyline, “It’s a yes!”

“It’s a yes. It’s like friendship na relationship. Kung anong meron kami, it’s really our own,” pagpapaliwanag ni Kyline.

“There are many types of relationship, and kung ano man ang meron kami ngayon, it’s really our own,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Kyline, isa sa mga bagay na pinaka nagustuhan niya kay Mavy ay ang pagiging present nito lagi sa tabi niya.

“The fact that he’s always there even though ilang beaea ko siya pinu-push away. Kung alam n’yo lang, he’s always there.

“And I’m not gonna deny it, I took advantage of it. I just feel so guilty and sorry about that and ofcourse sad about that. Like hindi ko siya binigyan ng chance to show his self to me.

“Kaya lagi kong sinasabing lagi siyang nandyan everytime na nasa rock bottom ako but then I realized na… Ahhh, kaya pala lagi siyang nandyan kasi he’s taking care of me from a distance,” mahabang saad ni Kyline.

Napunta naman ang atensyon kay Mavy dahil tungkol na sa kanya ang tanong ng netizen na binabasa ng aktres.

“Kailan mo na-realize na gusto mo na jowain si Kyline dahil hindi mo na siya pang-tropa?” natanong ng netizen na binasa ni Kyline.

“Yan! Yan talaga! Ito ‘yung pang-1 million views,” pabirong saad ni Mavy ngunit agad ring nagseryoso.

“May event kaming pinuntahan ni Cassy tapos kasama si Ky,” saad ng aktor.

Singit naman ni aktres, “Is this Kenzo? Ow shocks!”

“Tapos nandoon ‘yung Honne. Ang ganda pa naman ng music tapos ayun lang, tumibok ‘yung puso ko,” sagot ni Mavy.

Kitang kita naman na tila kinikilig na nahihiya at patagong nangingiti ang si Kyline.

Magkasama ang dalawa sa ongoing teleserye na “I Left My Heart in Sorsogon” ladama sina Heart Evangelista, Paolo Contis, at Richard Yap.

Related Chika:
Kyline sa ‘panliligaw’ ni Mavy: Nakakadalagang-Filipina, super gentleman!

Read more...