I-text kay Madam Sophia (September 14, 2013)

Mula kay May ng …3123, Toril, Davao City. September 14, 1971 ang birthday ko at October 23, 1970 naman ang mister ko. May makukuha pong malaking halaga ng salapi ang mister ko sa office nila sa September at by October balak naming bumili ng sasakayan. Ano po ba ang magandang kulay ng sasakyan na magibigya sa amin ng suwerte?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 14, 1971 at October 23, 1970 naman ang mister mo, mapalad kayon sa kulay  pula, gray, silver o kaya’y kulay puting sasakyan higit lalo kung ang ilalagay nyong plate number ay 555.
>>>
Mula kay JR ng Talaba, Bacoor, Cavite. November 7, 1989 ang birthday ko at July 2, 1990 naman ang girlfriend ko. Nagka-break po kami dahil sa isang hindi pagkakaunawaan, magkakabalikan pa ba kami?
Tugon ni Madam Sophia: Dahil nagkataong compatible ang birthday mong November 7, 1989 at sa birthday ng girlfriend mo na July 2, 1990, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang buwang ito ng Setyembre, pinaka-matagal na sa first week ng October, magkakabalikan kayo, upang sa susunod pang mga buwan, lalo pang sumigla at uminit ang inyong pagmamahalan, hanggang sa takdang panahong inilaan ng kapalaran kayo na nga ang magkakatuluyan.

READ NEXT
Ibang bansa
Read more...