ni Ervin Santiago, Bandera Entertainment Editor
HINDI pa rin maiwasang hindi itanong kay Karylle ang ilang bagay tungkol sa dating boyfriend na si Dingdong Dantes. Kahit anong gawing iwas ng anak ni Zsa Zsa Padilla ay laging kasama ang kanyang ex-boyfriend sa mga tanong na ibinabato sa kanya ng entertainment press. Mukhang hindi na nga mabubura sa isipan ng mga tao ang naging relasyon nila na nauwi lang sa wala.
Nakausap ng BANDERA si Karylle at kahit siya ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nakaka-move on ang ibang tao sa naunsiyaming relasyon nila ni Dingdong, samantalang siya ay masayang-masaya na sa buhay niya ngayon. Inamin sa amin ng TV host-singer-actress na nakalimutan na niya totally ang kanyang ex at hindi naman daw siya na-trauma sa lalaki. Hindi naman daw magtatapos ang buhay niya sa isang failed relationship.
BANDERA: Masasabi mo bang wala nang natitirang love diyan sa puso mo para kay Dingdong?
KARYLLE: Wala na. Matagal na. Pero siyempre, hindi mo pa rin maiwasan na balik-balikan dahil may mga taong nagtatanong pa rin tungkol sa kanya. Tulad mo. Hahahaha! Pero wala na ‘yun. Past is past is past.
B: Totoo bang after n’yong mag-break ni Dingdong, sinumpa mo na ang mga lalaki?
K: No, hindi naman, sinumpa. Parang sabi ko, tama na muna. Siyempre, sino ba naman ang may gustong masira ‘yung relationship n’yo, di ba? So, parang ang maiisip mo, initially, ayaw mo na. Pero at the end of the day, ang iisipin mo na lang, ganu’n talaga ang buhay, you have to go on with your life. I know masarap pa rin naman ‘yung feeling na ma-in love ka di ba? No, hindi ako na-trauma sa mga boys. At hindi ko pa rin naman nakakalimutan kung paano magmahal, naks!
B: Ibang-iba na ang aura mo ngayon, obvious na mas maganda ka ngayon kesa dati. Ano ang nagpapa-beauty sa iyo these days?
K: Talaga? Maybe dahil masaya lang ako ngayon. Tsaka siguro dahil kay Vicki Belo. Talagang inaalagaan niya ang face ko. Kasi sa totoo lang oily ang skin ko, e. So prone ako sa mga pimples and all that, so I have to do some rituals para maiwasan ang pagka-oily.
Tsaka ang napansin ko kasi kaya madalas din akong magpa-massage for proper blood circulation. Parang ’yung mga Koreans, di ba, ang ganda-ganda ng skin nila, kasi regular pala talaga silang nagpapa-spa and massage. So ako din.
B: Anong ginagawa mo kapag wala kang taping or shooting?
K: I like to jog. So, I’ve been training sa Ultra with a team. May personal coach talaga ako du’n para magawa ko nang tama ‘yung mga exercise. Kasi may mga techniques din sa pagtakbo. Nakaka-improve din siya ng circulation, and, of course, fitness.
Kapag may spare time pa, meet with friends, sila ‘yung kasama ko kapag nagpapamasahe ako, kapag nagpapa-spa. Du’n sa pinupuntahan kasi namin, habang nagpapa-spa ka, puwede kang manood ng movies dahil may parang theater na rin sa loob.
B: Hindi ka tumataba dahil ba ‘yan sa grabeng physical activities mo?
K: May times na parang feeling ko ang taba-taba ko na, e. Hindi naman talaga ako tumataba, pero ‘yung tiyan ko, lumalaki. Kasi ang hirap, na alam mo ‘yung feeling mo na okay ka lang, pero kapag nakita mo ‘yung tiyan, nakaka-depress. Hahahaha!
B: May sinusunod ka bang diet?
K: Now, I started a fruit diet, wherein kinakain mo ‘yung fruit before your meal, kumbaga, baligtad, di ba lumaki tayo na kinakain natin ‘yung prutas after kumain, para ‘yung digestive enzymes mo, mag-work. So mas nakakatulong siya, like when I started doing that, tsaka brown rice, I lost 10 pounds agad. Kasi nu’ng ginagawa ko pa lang ‘yung Dahil May Isang Ikaw, alam mo ‘yung taping para magising ka, minsan chips na lang ang intake mo. That time, I really gained weight.
Imagine, umabot pa ‘yun sa, like for example sa isang eksena, tapos may continuity, siguro three weeks apart, ayaw nang magsara ‘yung damit ko. Sabi ko, tumaba ba ako, o nag-shrink lang yung damit ko? So, binibiro ko sila, sino ba ang nagpa-dry clean nitong damit ko, bakit umurong siya? Hanggang sa narinig ko ‘yung sarili ko, ano bang nangyari? Alam ko namang tumaba ako, sisihin ba ang laundry? Shut up na, shut up na. Lumaki nga ako nang konti. Hahahaha!
B: Kapag happy ka, tumataba ka rin ba?
K: E, happy naman ako ngayon, pero pumayat na ako. So, depende rin siguro. I guess usually kasi when you’re in a relationship, dinner out lang kayo nang dinner out, so ang tendency, tumaba ka, kasi kain ka nga nang kain. But I think when you’re with somebody na puwede mong isama sa gym, sabay kayong tumatakbo, nagdyi-gym, pareho kayong nagda-diet, wala sigurong magiging problema kahit kain kayo nang kain.
B: Hindi ba boring ang walang boyfriend?
K: Ah, hindi naman! Hahahaha! Because I think, God is teaching me a lesson, kasi kahit na may mga dumating na tao sa buhay ko, parang I always pray, especially now, kasi dati I must admit hindi ko talaga masyadong ginagawa ‘yun na parang kung siya na ba, please help me and guide me, ngayon parang hindi pa dumarating sa point na sure ka, so, ganu’n.
Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng ganito karaming kaibigan na ka-close ko talaga. I’m very careful kasi. Bihira lang din ako magkaroon ng maraming girl friends, ngayon I have a lot of new barkada, kasi maraming chikahan, maraming bonding, marami akong natututuhan.
B: So, marami kang manliligaw?
K: Marami lang nandiyan. Yes, ine-entertain ko naman sila, pero ‘yun nga, hanggang du’n na lang muna kasi iba ang priority ko ngayon. I’m happy kahit single pa rin. May mga tao na malapit sa puso ko pero I am just getting to know people. Minsan may time na medyo nagugustuhan ko na itong taong ‘to pero hindi naman talaga. Siguro hindi pa talaga time na makipag-commit uli, especially now that I am trying to focus on my work.
B: Ang balita ko, may nagugustuhan ka na talaga pero parang pinag-aaralan mo pa ‘yung personality nu’ng guy? Si Champ ba ito (vocalist ng bandang Hale)?
K: Secret! Hahahaha! No, kaibigan ko lang ‘yun. Hindi ko alam kung nanliligaw siya. Pero marami naman akong friends, ‘yung iba showbiz, ’yung iba hindi. Yes, I’m dating, pero hindi ko ma-explain e. Hindi ko kasi masyadong nabibigyan ng panahon. Minsan nagkakataon lang na lumalabas ka pero hindi naman ‘yun pinlano or sinadya, parang aksidente lang.
B: Tungkol naman sa iyong showbiz career, kuntento ka na ba sa trabaho mo ngayon, o may hinahanap ka pa?
K: Sa ABS-CBN ko na-try ang iba’t ibang roles. And I am very, very thankful sa ABS dahil nabigyan nila ako ng chance para ma-improve ang acting skills ko. I’m happy with my showbiz career. Hindi ako pinabayaan ng ABS-CBN at napakaganda ng ginawa nila para sa akin.
And I must admit, nami-miss ko na ‘yung gumawa ng soap but now, super miss ko na rin ang pagkanta. Actually nu’ng ginawa ko yung Dahil May Isang Ikaw, maraming concerts kaming hindi tinanggap. Like, inaasam ko talaga mag-concert abroad. So, siguro this year, ‘yun naman ang aasikasuhin namin. Pero kung puwedeng pagsabayin, why not, di ba?
B: Sabi mo nga, super happy ka ngayon, pero anu-ano naman ‘yung mga bagay na nagpapalungkot sa ‘yo?
K: Family ko, kapag alam kong malungkot sila, o nasasaktan sila, siyempre, apektado ako. More than anything else, e, kasi pinakaimportante pa rin sa akin ang pamilya ko. So, ang laging pinagpe-pray ko, lagi silang masaya. Mas ako ‘yung affected kapag may hindi magandang nangyayari sa kanila. Tsaka kapag nakakapanood ako ng malulungkot at nakakaiyak na movie, nagka-cry din talaga ako.
B: Ano pa ba ang gusto mong maabot sa iyong buhay?
K: Naku, marami pa. Ang bata-bata ko pa naman, di ba? Marami pa akong gustong gawin. Like ‘yung makapag-around the world with my family. Gusto ko pang makagawa ng maraming teleserye, ng maraming album and probably more movies. ‘Yun bang puwede mong maipagmalaki sa mga magiging anak mo and apo na rin. ‘Yung ganu’n. Gusto ko, marami pa akong ma-touch na buhay ng ibang tao through my music. Marami pa, kaya I know, mahaba pa ang lalakbayin ko.
Bandera, Philippine Entertainment Tabloid, 042610