2 bida sa MMFF 2021 entry na ‘Love At First Stream’ sinagot kung terror na direktor si Cathy Garcia

Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Cathy Garcia, Daniela Stranner at Amthony Jennings

“TERROR” at pinakaistriktong direktor ang pagkakakilala ng ilang artista sa box-office at award-winning director na si Cathy Garcia-Molina.

In fairness, kapag sinabi mong “directed by” Cathy Garcia, siguradong dekalidad at pwedeng humakot ng award ang pelikula dahil nga nakagawa na ng tatak ang Kapamilya director sa mundo ng telebisyon at pelikula 

Ngunit para sa mga youngstars na sina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo, napaka-cool at madaling katrabaho si Direk Cathy.

Ayon kina Kaori at Jeremiah, napakasarap at nakaka-inspire maging direktor si Cathy Garcia, ang direktor nila sa pelikulang “Love At First Stream” na entry ng Star Cinema sa 2021 Metro Manila Film Festival.

Sey ni Jeremiah sa nakaraang virtual presscon ng pelikula last Tuesday, Dec. 14, “Karamihan naman ng impression kay Direk Cathy, nakakatakot, terror. Pero kapag tumagal nang tumagal, gumagaan eh. Mae-enjoy mo talaga ‘yung trabaho.”

Pahayag naman ni Kaori, “Nakakatakot sa umpisa pero before ako pumasok sa set, nanood ako sa mga interviews ni Direk. Sabi ko, bakit napakakalog ni Direk. Parang ibang iba sa naririnig ko na nakakatakot siya. Pagdating ko ng set, nakakatakot nga talaga siya.

“Pero, habang tumatagal halimbawa off set, napakakalog ni Direk. Super barkada kami. Nawawala ‘yung takot namin sa kaniya,” aniya pa.

Para naman sa co-star nila sa movie na si Daniela Stranner,  “Sobrang takot ako kay Direk kasi Direk Cathy, e. Nu’ng nabasa ko ‘yung script bago kami mag-lock in, sabi ko, ‘oh my gosh, ako ‘yung pag-iinitan ni Direk dito.’ Siyempre baguhan po kami. Hindi pa kami ganoon kagaling o talagang artistang-artista.”

Pero kabaligtaran daw ang nangyari sa kanyang inaasahan sa lock-in taping, “Sobrang matulungin si Direk. From the start to the end ‘di niya kami pinabayaan. Nandun siya the whole time.”


In fairness, very proud naman si Direk Cathy sa mga artista niya sa “Love At First Stream”, “I am very happy with the four. I must commend their professionalism at a very young age.

“I am so proud of them that even after the film, tumawid sila sa isang project. Ang nakarating sa akin, nagsumbong agad sa akin ang EP (executive producer) sinabi ang babait po nu’ng mga bata.

“And they performed beyond my expectations. Tuwang-tuwa ako sa willingness nila to learn.

“The respect for me and my staff were there all the time. I love them for that. Marami riyan direktor lang ang iginagalang. Pero ‘yung mga nasa ilalim ko, hindi na. Hindi sila ganu’n. I love all of them. Kapag sinasabihan sila ng staff ko, they listen,” sabi pa ni Direk Cathy.

Showing na ang “Love at First Stream” sa Dec. 25 sa mga piling sinehan nationwide.
https://bandera.inquirer.net/299817/anak-ni-cathy-molina-pinapalo-ng-yaya-imbes-na-magalit-ako-sa-kanya-nagalit-ako-sa-sarili-ko
https://bandera.inquirer.net/287656/may-sama-ba-ng-loob-si-direk-cathy-garcia-kina-john-lloyd-at-bea

Read more...