Pamilya ni Beatrice Gomez sa Cebu apektado rin ng bagyong Odette; beauty queen nangako ng relief mission

Beatrice Gomez

KABILANG din ang pamilya ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa mga malubhang naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Odette sa bansa.

Ayon sa Miss Universe Philippines Organization hindi rin nakaligtas sa bagsik ng bagyo ang mga mahal sa buhay ni Bea sa Cebu na isa sa mga hinagupit ni Odette matapos itong mag-landfall kagabi.

Ayon sa Miss Universe Philippines Organization, ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na ikansela muna ang mga media interview at iba pang naka-schedule na mga activities ng Pinay beauty queen.

Kasunod nito, umapela rin ang Miss Universe Philippines organizers sa publiko na ipagdasal at tulungan ang mga biktima ng bagyo sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.

“According to Bea, her family was trapped in their home during the typhoon and it badly damaged the apartment building. Thankfully, they are physically safe now.

“Bea’s priority is her family’s welfare at the moment. As soon as she is out of quarantine, she will head to Cebu to assist them,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng MUP.

Nakabalik na ng Pilipinas si Bea kamakalawa matapos rumampa at ibandera ang bansa sa 70th Miss Universe pageant na ginanap sa Israel. Nabigo siyang maiuwi ang korona at titulo matapos umabot hanggang sa Top 5.


Nangako naman ang Miss Universe Philippines Organization na ibabalita ang mga susunod na kaganapan sa buhay ni Bea kabilang na ang nakatakdang relief operation ng beauty queen.

Nauna rito, sinabi ni Bea na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para ilaban ang Pilipinas sa 2021 Miss Universe.

“I know how hard I worked and all I ever did was deliver my best. So for me, ‘yung best ko (my best) wasn’t just limited to Top 16 or Top 10. I was really aiming for the crown,” pahayag ng dalaga.

“It’s just that there are other girls who were really destined to get the crown, which is my very good friend Harnaaz Sandhu, and I’m very proud of her.

“No regrets po sa performance ko. Para sa akin, hindi po siya kulang kasi binigay ko lahat. I’m just very proud of what I did,” paliwanag niya.

https://bandera.inquirer.net/294306/beatrice-gomez-ng-cebu-city-wagi-bilang-miss-universe-philippines-2021
https://bandera.inquirer.net/300706/andi-humiling-ng-dasal-habang-binabayo-ng-super-typhoon-odette-ang-siargao

Read more...