Kit Thompson may padyowa reveal, kinantiyawan ng mga kaibigan

Kit Thompson may padyowa reveal, kinantiyawan ng mga kaibigan

OPISYAL nang ipinakilala ng Kapamilya actor na si Kit Thompson ang kanilang pag-iibigan ng kapwa celebrity na si Ana Jalandoni.

Sa Instagram account ni Kit naganap ang tila pa-dyowa reveal kung saan ipinost niya ang larawan nila ni Ana.

Sa nasabing larawan ay nakahilig ang dalawa sa isa’t isa at parehas na may matamis na ngiti.

“Our first date,” saad ni Kit.

Makikita naman sa comment section ang short but sweet reply ni Ana na “MyLove (heart emoji)”.

Mukha namang going strong ang dalawa lalo na’t umamin na sila sa publiko.

Umani naman ng kantyawan ang comment section mula sa kanilang mga non-showbiz friends.

“Wala kang maloloko sa first!” comment ng isa nilang kaibigan na nireplyan naman niya ng, “Hahaha! yan kase ‘yong first date namin!!!”

Isang kaibigan din nila ang tila nakahinga nang maluwag sa kanilang pag-amin.

“Yey! Sa wakas! Hindi na kami magtatago ng story!” comment ng isa pang non-showbiz friend.

Nag-comment rin ang kaibigan ni Kit at nakasama noon sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4” na si Yves Flores.

“Di kana sasabog at sabihin ang masasamang words,” comment ni Yves.

Matatandaang ito ang naging famous line ni Kit habang nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.

Samantala, Nobyembre pa lang ay nagbibigay na ng clue si Kit patungkol sa kanilang relasyon ni Ana.

Sa isang sexy photo IG post ni Ana ay nagkomento na ito ng “Baby ko ba yan?” na sinagot naman ng aktres ng “love love”.

Bagamat kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon ay wala namang ibinahagi ang mga ito kung kailan sila officially naging in a relationship.

Related Chika:
Kit Thompson handang magpakita ng ‘pagkalalaki’ sa movie pero may kundisyon…

Read more...